
Shalimar Candao, Tatakbong Cotabato City Councilor tutukan ang ‘Women Empowerment & Tourism Promotion’

COTABATO CITY (May 2, 2025) — Si Shalimar Candao ay isang kumakandidato ng pagka konsehal ng Cotabato City sa loob ng bandila ng United Bangsamoro Justice PArty (UBJP) ang naglatag ng kanyang plataporma de gobyerno sa naganap na talk show program na sponsor ng Ang Tinig ng Senior Citizen Partylist #97 sa Balota na napanood via live stream sa Bangsamoro Multimedia Network (BMN) official Facebook page noong ika-29 ng Abril.
Kabilang sa kanyang prayoridad ay ang pagpapalago sa turismo sa lungsod, “Tourism is actually everybody’s business na kung saan mayroong value chain effect na nangyayari. Ibig sabihin ay konektado ang lahat ng bagay sa turismo na nakapagbibigay ng trabaho at income lalo na sa mga business sector. Isang flagship program na e promote ang ating turismo through our culture,” pagbabahagi ni Shalimar.
Inaasahang magiging bahagi ito ng pag-unlad ng ekonomiya at maging ang mamamayan ng Cotabato gamit ang kanyang plataporma de gobyerno, at maging ang pagtugon sa suliraning kinakaharap ng bawat Bangsamoro lalong lalo na sa kapakanan ng mga kababaihan at ang senior citizens sa nasabing lungsod, kaya naman ibinigay ni Councilor Shalimar Candao ang kanyang buong suporta sa Ang Tinig ng Senior Citizen Partylist #97 sa balota.
Kasama din si Shalimar sa naging instrumento sa pagpasa ng Bangsamoro Organic Law (BOL) na sumali sa mga ginagawang lobbying mission sa Kongreso at Senado ng mga Civil Society Organizations mula sa Mindanao. Si Shalimar Candao na naging kaakibat sa paglago ng turismo sa buong rehiyon noong siya naging Assistant Regional Secretary ng Department of Tourism ARMM. Ayon sa kanya hindi na panibago ang pagserbisyo sa gobyerno dahil sa katunayan umabot na sa mahigit 30 na taon ang kanyang pagserbisyo sa publiko. (USM OJT Students: Melody N. Flores, Melody A. Bantolo, BMN/Bangsamoro Today)