
Mayor Mascud ng Kadayangan Buo ang Suporta sa Ang Senior Citizen Partylist

COTABATO CITY (April 29, 2025) — Ibinahagi ni OIC Mayor Hon. Duma M. Mascud ika-4 sa balota sa ikatlong episode ng talk show program ng Ang Tinig Senior Citizen Partylist #97 sa Balota ang ang Plataporma de Gobyerno via social media live streaming sa Bangsamoro Multimedia Network (BMN) official Facebook page noong ika-26 ng Abril. Ang programa ay naglalayong bigyan ng boses ang mga senior citizen sa Bangsamoro at ibahagi ang kanilang mga karanasan, pananaw, at mga suhestiyon sa iba’t ibang isyu na nakakaapekto sa kanilang komunidad.
Ayon kay Mayor Duma Mascud, ang programa ay isang mahalagang hakbang sa pagbibigay ng boses hindi lang sa mga senior citizen sa Bangsamoro kundi pati ang mamamayan ng Municipality of Kadayangan at pagpapabuti ng kanilang kalidad ng buhay. Binigyang diin ni Mascud na ang kanyang plataporma at programa ay makakatulong upang mas mahusay na matugunan ang mga pangangailangan ng mga senior citizen sa rehiyon.
Bukod pa rito, binigyang diin ang pagtatalakay sa pag-angat sa katayuan ng mga kabataan, magbigay ng tamang suporta sa edukasyon para maging katuwang sa mga kani-kanilang pamilya at hindi mananatili na illiterate at ignorant, punto pa ni Mascud.
Prayoridad din ni Mayor Mascus ang moral governance, kapayapaan at kaunlaran, pagpapatayo ng istrukturang angkop sa pangangailangan ng Bangsamoro, pag-aayos ng mga irrigation, digital access sa komunikasyon. At para naman sa mga senior citizen ay nais nitong magbigay ng karagdagang medical assistance para sa senior citizen na nagkakasakit.
Si Mayor Mascud ay dating chief executive ng SGA at United Bangsamoro Justice Party (UBJP). Siya din ang kauna-unahang vice-president ng Mindanao Alliance for Peace (MAP) at kalaunan naging presidente nito.
Nais ni Mayor Mascud na masuportahan ngayong darating na halalan para maisakatuparan ang kanyang mga mabuting adhikain para sa lahat ng kanyang nasasakupan para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran sa bayan ng Kadayangan.
Inaasahang magiging bahagi ito ng pagpapalakas, pagpapaunlad, pagtataguyod at pagtugon sa suliraning kinakaharap ng bawat mamamayan ng Kadayangan maging ang mga senior citizens, kaya naman buo ang suporta ni Mayor Duma sa Ang Tinig ng Senior Citizen Partylist #97 sa balota dahil isa rin itong senior citizen. (USM OJT Students: Melody N. Flores, Amera M. Basalon, Bai Onamayda P. Dilanggalen, Melody A. Bantolo, BMN/Bangsamoro Today)