Advertisement Section
Header AD Image

Youth sa Cotabato City suportado ang Pambato ng UBJP sa 2025 Elections

(Litrato mula sa Facebook page ni Bruce “BM” Matabalao, at Litrato sa front page ay kuha ni Faydiyah S. Akmad, BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (April 28, 2025) — Suportado ng kabataan ng Lungsod ng Cotabato ang ginawang Youth Assembly and Endorsement of Candidates ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP)-Cotabato City na nilahukan ng libu-libong partisipante na ginanap sa People’s Palace Gymnasium nitong Linggo, ika-27 ng Abril.

Kabilang sa programa ang pagpapakilala ng mga kanditatong tumatakbo bilang City Councilors na dumalo at nagbigay ng kanilang plataporma de gobyerno.

Si Prof. Hashim Manticayan ang League of Bangsamoro Organizations (LBO) President ay ibinahagi ang history ng Bangsamoro na naging panimula ng programa.

Pinangunahan ni Bai Shalimar Candao ang pagbati at pagpapasalamat sa Bangsamoro Youth at ayon sa kanyang mensahe: “As young Bangsamoro you are the torch bearers of our future, you are the leaders innovators and change makers who will shape the destiny of our community.”

“Don’t just wait for opportunities to come to you, create them and empower yourselves with knowledge, skills, and values that will enable you to have a meaningful impact,” saad niya.

“As a Bangsamoro woman and a candidate for a city councilor, I am committed to serving our community and fighting for the rights and interests of our people, especially the youth and women. I believe in the power of inclusive governance and participatory leadership. I believe that when women thrive, our community thrives. Your voice, your energy, and your participation are crucial in shaping the future of our city. Together, let us work to create a government that truly serves the people,” dagdag pa niya.

“It’s about time that the youth ay dapat na nakikialam na ngayon sa mga issues and concerns ng inyong community especially sa pinakamamahal nating lungsod ang City,” ani naman ni Councilor Popoy Formento.

Nagbahagi din si Atty. Anwar Malang tungkol sa evolution ng Bangsamoro struggles bago nito inihayag ang kanyang mga plataporma.

“Kayo ngayon ang flag bearer or duty bearer ng struggle, kayo na ngayon ang magpapatuloy ng struggle ng Bangsamoro, yung UBJP. So kailangan nating palakasin ang UBJP para ma’ continue yung struggle natin, yung right of political aspirations ng Bangsamoro. Otherwise, pag nawala na ang UBJP, sino pa ang magpapatuloy ng struggle ng Bangsamoro?,” anya.

“Dahil kayo ay mga kabataan, ngayon na ang kinabukasan ninyo, hindi bukas so you have to start now as the flag bearer of UBJP. So kailangan ninyo, obligasyon ninyo na ipapanalo ang mga kandidato ng UBJP,” pagbibigay diin nito.

Ayon sa UBJP, layunin ng programa ay ang magbigay kaalaman sa mga kabataan na maging matalino sa pagpili ng kandidato, upang magkaroon ng maayos at payapang komunidad ang lungsod ng Cotabato. Matalinong pagpili ng kandidato, susi sa kapayapaan ng Cotabato. (USM OJT Students: Melody N. Flores, Amera M. Basalon, Bai onamayda P. Dilanggalen, Melody A. Bantolo, BMN/Bangsamoro Today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post UNYPAD National Capital Region Launches Donation Drive for Fire Victims