MOH, Nagpadala ng 2 Sea Ambulance sa Tawi-Tawi

(Litrato mula sa MOH-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-25 ng Abril, 2025) — Nagpadala ng dalawang (2) sea ambulance ang Ministry of Health (MOH) ng Bangsamoro para sa mga mamamayan ng lalawigan ng Tawi-Tawi. Ayon kay Health Minister Dr. Kadil M. Sinolinding, Jr., nakalaan ang mga sea ambulance sa Datu Alwaddin Memorial Hospital sa Sibutu at sa Rural Health Unit ng Sitangkai.

Gagamitin ang mga ito para mas mapadali ang pagdadala ng mga pasyente mula sa iba’t ibang isla patungo sa pinakamalapit na health facility. “The sea ambulances are in safe and in good conditions. I assure our patients they will be safe,’’ pahayag ni Sinolinding.

Ang mga sea ambulance ay pinondohan sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) mula sa mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament.
Dagdag pa ni Sinolinding, magpapatuloy ang mga programang pangkaunlaran sa rehiyon ng Bangsamoro sa suporta ng kasalukuyang pamunuan sa pangunguna ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.

“Your MOH will continuously facilitate delivery of improved and quality healthcare services, including health facilities and infrastructures, especially to Geographically Isolated and Disadvantaged Areas or GIDA,” ayon kay Sinolinding.   

Ayon sa Facebook page ni Nonoy Manaytay, isang Katolikong mangangaral, nakita ang mga ambulansyang dumaan sa Zamboanga Sibugay, papunta sa Zamboanga City at tuluyang bibiyahe patungong Sitangkai at Sibutu. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post COMELEC Sets Barangay and SK Elections for December 2025
Next post Ang Tinig ng Senior Citizen Partylist, Ibinida ang Apat na “K” Program