Ang Tinig ng Senior Citizen Partylist, Ibinida ang Apat na “K” Program

(Litrato kuha ni Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (April 25, 2025) — Ibinahagi ng Ang Tinig ng Senior Citizen Partylist na ika-97 sa balota ang kagandahan ng kanilang Plataporma de Gobyerno sa pamamagitan ng live Talkshow program nitong “Ang Tinig ng Senior Citizen” na mapapanood sa Bangsamoro Multimedia Network (BMN) Internet Radio Station official Facebook page. Ang programa ay naglalayong bigyan ng boses ang mga senior citizen para maipadama ang apat na “K” na programa ng partido.

Sa unang episode, noong Huwebes, tinalakay ng guest speaker na si Abz Manalasal bilang pangalawang nominee ng partido sa Kongreso ang kahalagahan ng mga senior citizen sa loob at labas ng BARMM region kasama ang host na si Hairan Esmael.

Ang “Ang Tinig ng Senior Citizen Partylist” ay isang partylist sa bansa na naglalayong magbigay ng kalinga at serbisyo para sa mga senior citizen, nakikinig din ito sa mga saloobin at maging ang kanilang pangangailangan.

Ayon kay Manalasal, “Ang tinig ng senior citizen po ay nabuo upang isulong ang pantay pantay na karapatan at magiging boses ng mga senior citizens sa Kongreso.”

“Isa po itong historical sapagkat ito po ay isang party na sumusulong sa mga karapatan ng ating mga lolo at lola kung saan sila po ay 15 Million na populasyon sa ngayon, so titignan po natin ang programang dapat nating isulong para sa sektor na ito,” pahayag nito.

Bukod pa rito, binigyang diin din ang pagtalakay sa pinaka-nilalaman ng plataporma ng Partylist ang apat (4) na K— Ang Kalusugan, Kabuhayan, Karapatan, at maging ang Kamatayan.

Para sa sektor ng Kalusugan, ang Tinig ng Senior Citizen partylist ay nais magpatayo ng Senior Citizen Hospital, free medication, hospitalization, and consultation at maging pagkakaroon ng mobile clinic na kung saan ang mga senior citizen na nasa malalayong lugar ay makaka avail ng ganitong benepisyo.

Para naman sa Kabuhayan, nais magsagawa ng proposal ang partylist na mang-akit sa mga business sector na kumuha o pahihintulutan ang mga senior citizen na kaya pang mag empleyo o magtrabaho para magkaroon ng pangkabuhayan.

Para naman sa sektor Karapatan, nais isulong ng mahigpit ng partylist na magkaroon ng Senior Citizen Commission, isulong ng mahigpit ang pagpapatupad ng social pension, at magkaroon ng Senior Citizen Act, Psychological at Recreational center.

Tungkol naman sa Kamatayan, nais ng partylist na magkaroon ng public Muslim cemetery at burial assistance para sa mga nakakatandang Muslim na mamamatay.

Ang kapakanan ng bawat isang senior citizen sa loob ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na mabigyan ng sapat na benepisyo at para na rin hindi magiging pabigat sa kanilang mga anak at komunidad ang nais ni Manalasal na maibigay sa mga matatanda.

Habang nabubuhay pa ay sisiguraduhing mabigyan at mapapakinggan ang kanilang mga hinaing at pangangailangan, ayon pa kay Manalasal. Naging inspirasyon din ni Manalasal ang kanyang nanay na mas suportahan pa ang pangangailangan ng mga senior citizen dahil anya hindi sapat ang PhP6,000 na buwanang pension na natatangap ng kanyang nanay sa pangangailangan nito.

Inaasahang magiging isang mahalagang bahagi ito ng pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga senior citizen sa Bangsamoro kung papalaring makakuha ng sapat na boto si Manalasal para maging Kongresista upang madala nya sa Kongreso ang tinig ng mga Senior Citizen sa Mindanao. (USM OJT Students: Melody N. Flores, Amera M. Basalon, Bai onamayda P. Dilanggalen, Melody A. Bantolo, BMN/Bangsamoro Today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MOH, Nagpadala ng 2 Sea Ambulance sa Tawi-Tawi
Next post MSSD’s Mobile Kitchen aims to Support Street Children in Cotabato City