Benepisyaryo ng Emergency Shelter Assistance sa Malidegao, SGA binisita ng MSSD

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-23 ng Abril, 2025) — Nagsagawa ng monitoring ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa ilalim ng Malidegao Unit Office para sa mga benepisyaryo ng Emergency Shelter Assistance (ESA) program sa mga Barangay ng Nalapaan, Batulawan, at Fort Pikit sa bayan ng Malidegao noong ika-15 ng Abril.

Ayon sa MSSG ang monitoring na ito ay tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng ESA program at suriin ang kasalukuyang pangangailangan ng mga benepisyaryo. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, mas mapapabuti pa ng MSSD ang kanilang mga programa at serbisyo upang matiyak na ang tulong ay tugma sa aktwal na pangangailangan ng mga nakikinabang dito.

Ang ESA program ay bahagi ng patuloy na pagtugon ng MSSD sa pangangailangan ng mga mahihirap at mga apektado ng kalamidad sa rehiyon ng Bangsamoro, kabilang na ang mga Internally Displaced Persons (IDPs), dulot man ito ng likas o gawa ng tao.

Pinangunahan ang aktibidad ni MSSD Project Development Officer II Rasul Bagundang, kasama si Malidegao Municipal Social Welfare Officer Almadin Turuganan. Nakipagtulungan din ang Monitoring and Evaluation staff, mga Parasocial Worker, Child Development Workers, at mga Social Work Interns upang maisakatuparan ang aktibidad. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bangsamoro Sports Commission, Nagdaos ng Sports Clinic sa Basilan para sa mga Kabataang Atleta