Pagtatayo ng Youth Training and Management Center sa Talipao ng MHSD, Opisyal nang Nagsimula

(Litrato mula sa MHSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-22 ng Abril, 2025) — Ang construction ng one-storey Youth Training and Management Center sa Barangay Kahawa, Talipao, Sulu ay opisyal nang nagsimula matapos ang matagumpay na groundbreaking ceremony noong ika-3 nitong buwan. Pinangunahan ito ng Ministry of Human Settlements and Development (MHSD) ang housing arm ng BARMM, at ng tanggapan ni MP Hon. Atty. Jose I. Lorena.

Ang proyektong ito na itatayo ng USF Construction and Hardware Trading ay aabot sa mahigit PhP3 million. Ito ang pang-apat na training center ng MHSD sa lalawigan na pinondohan ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) 2024 ni MP Lorena.

“Talipao is close to my heart, so I have high hopes that the citizens will take care of the facility,” wika ni Atty. Najira S. Hassan Provincial Director, MHSD-Sulu na magmo-monitor sa proyekto.

“This facility can also be used to strengthen strides for religious teaching, and there are those who are willing to help with it,” saad naman ni MP Lorena.

Sa parehong araw, nagsimula rin ang pagpapatayo ng isa pang one-storey multi-purpose training center sa Boy Scout Santanina Sport Complex, Barangay San Raymundo, Jolo, sa pakikipagtulungan ng MHSD at ni MP Lorena.

Ito ay sumusunod sa dalawang naunang training centers na naitayo na sa MSU-Sulu Campus noong ika-5 ng Nobyembre, 2024 at Sulu State College noong ika-2 ng Agosto, 2023, lahat ay pinondohan ng tanggapan ni MP Lorena. (USM OJT Student: Bai Onamayda P. Dilanggalen, BMN/Bangsamoro Today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BHRC, BWC, BEZA Chairpersons, Nakipagpulong kay Chief Minister Macacua
Next post Bangsamoro Government mourns the death of Pope Francis