
BHRC, BWC, BEZA Chairpersons, Nakipagpulong kay Chief Minister Macacua

Macacua)
COTABATO CITY (Ika-21 ng Abril, 2025) —Isang malaking karangalan para kay Interim Chief Minister Abdulraof A. Macacua ang makapagtanggap ng courtesy visit mula sa ilang pangunahing ahensya ng Bangsamoro Government kamakailan. Ang mga pagbisitang ito ay nagpapakita ng iisang layunin, ang isulong ang kapakanan at kaunlaran ng Bangsamoro region.
Unang bumisita sa kanyang opisina ang Bangsamoro Human Rights Commission (BHRC) na pinamumunuan ni Chairperson Atty. Abdul Rashid P. Kalim. Sa kanilang pag-uusap, nagkaroon ng talakayan tungkol sa mga programa at hakbang para mas mapalakas pa ang mandato ng BHRC. Layunin nito na mas mapangalagaan ang karapatang pantao ng bawat Bangsamoro.
Sumunod namang dumalaw ang Bangsamoro Women Commission (BWC) sa pamumuno ni Chairperson Hadja Bainon G. Karon, kasama ang mga commissioners mula sa iba’t ibang probinsya ng BARMM. Tinalakay sa meeting ang mga isyung kinakaharap ng mga kababaihang Bangsamoro at kung paano mas mapapalawak ang suporta sa kanila sa pamamagitan ng mga inklusibong programa.

Macacua)
Nagtapos ang araw sa isang makabuluhang pagpupulong kasama si Atty. Sukarno A. Abas ng Bangsamoro Economic Zone Authority (BEZA). Napag-usapan dito ang mga plano sa pagtatatag at pagpapalago ng mga economic zone sa rehiyon. Inaasahan na sa pamamagitan ng mga proyektong ito, mas maraming trabaho, negosyo, at oportunidad ang bubukas para sa mga Bangsamoro.
“Naniniwala ako na ang mga meetings na ito ay patunay ng iisang direksyon ng ating mga ahensya—ang maglingkod nang may malasakit at integridad. Insha Allah, ang lahat ng ito ay magiging simula ng mas konkretong aksyon, koordinasyon at kolaborasyon tungo MasMatatagNaBangsamor” pahayag pa ni Macacua.
Ang magkakasunod na pulong na ito ay isa na namang hakbang tungo sa mas matibay na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng mga opisyal ng Bangsamoro Government at ng iba’t ibang sektor. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)