
BARMM OCM’s Office for Other Bangsamoro Communities, Nagsagawa ng PRE-OBC MANA

COTABATO CITY (April 21, 2025) – Matagumpay ang ginawang Pre-Other Bangsamoro Communities Mapping and Needs Assessment (PRE – OBC MANA) ng Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) sa Region XI mula April 14-16, 2025 na layuning mangalap ng impormasyon ayon sa Section 8, letter D, Chapter 1, Title III, Book IV of BAA 13 upang suriin ang economic, social, at cultural needs ng Bangsamoro Communities na nasa labas ng rehiyon.
Ang Pre-OBC MANA meeting ay isang estratehikong hakbang ng OOBC upang matiyak ang maayos na koordinasyon sa mga Local Government Units, National Line Agencies, at iba pang stakeholders para sa isasagawang Mapping and Needs Assessment sa mga komunidad ng Bangsamoro sa labas ng BARMM region upang ipaliwanag ang legal na batayan, mandato, at tungkulin ng OOBC bilang katuwang sa pagsusulong ng kapayapaan at pag-unawa sa kalagayan ng mga Bangsamoro sa labas ng rehiyon.
Naisagawa rin ng OOBC ang Pre-OBC MANA sa Rehiyon XII noong Setyembre 2024 at sa Rehiyon IX noong Disyembre 2024 ang coordination meeting sa pagitan ng OOBC at iba’t ibang kinauukulang ahensya at tanggapan. Ang pagpupulong ay naging makabuluhan at puno ng aktibong talakayan hinggil sa mga isyung kinahaharap ng mga komunidad ng Bagsamoro sa labas ng rehiyong BARMM. Nagbahagi ng kani-kanilang mga inisyatibo at plano ang bawat ahensya, at nagkaisa ang lahat na palalimin pa ang ugnayan at pagtutulungan upang mas epektibong maihatid ang mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga nasabing komunidad. Isa itong mahalagang hakbang tungo sa mas inklusibong pag-unlad at pagkakaisa.
Kabilang sa mga aktibidad ng Pre-OBC MANA ay ang pakikipagpulong sa Piling Stakeholder leaders sa pangunguna ni OOBC Executive Director Prof. Noron S. Andan. Kasama ang Barangay Local Government Unit ng Sirawan Toril Davao City na kinatawan ni Brgy. Kagawad Hon. Michael Tiangue. Kasama rin sa pagpupulong si MILF 112 BC Mr. Jerry Abubakar at ang kanyang kasamahang officers ng 112th Base Command, Political Chairman Mr. Mohajer Gawan, Davao del Sur Political Committee Chairman Mr. Mahmod dela Cruz, Shariah Davao City Aleem Omar Abdullah, Ludjnatol Ulya Ustadh Yasser Landas, Mr. Bernardo Chio, Social Welfare Committee (SWC) Davao City Chairwoman Nurhaya Mamasaunda, Tribal leader Mr. Datu Silvestre Arang, Dawah Committee Aleem Esmael Tahir, Balik Islam representative Bro Ismael Espanyol, PWD Chairman Allan Batman, Women Sector Ms. Noria Mula, Civil Society Organization (CSO) Ms. Juvy Mayo, Lanie Tiangge, Monalif Gawan, Nawena Dagondol, Fanny Gawan and Farmer Sector Mr. Cader Navas.

Ang OOBC ay nagsagawa rin ng isang courtesy call o coordination meeting sa Pamahalaang Lungsod ng Davao sa tanggapan ng Alkalde na si Hon. Sebastian Z. Duterte na kinatawan ni Ms. Lou Jane Bulaclac, kasama ang Davao City Muslim Affairs Office na pinamumunuan ng kanilang masipag na Deputy Mayors (DM) na sina DM Gab Nakan (Maguindanaon Tribe), DM Rahima Usman-Polao (Maranao Tribe), at DM Michael Mohamad (Kagan Tribe), gayundin ang Tanggapan ng Gobernador ng Davao Occidental na si Hon. Franklin Bautista, na kinatawan ni Bb. Anna Lora Bautista, ang Provincial Tourism Officer at ang Tanggapan ng Gobernador ng Davao del Sur na si Hon. Yvonne Roña-Cagas, na kinatawan ni Provincial Administrator Atty. Herbert Gonzales.
Nakipag-ugnayan din sa mga sumusunod na ahensya ang OOBC, kasama dito ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na pinamumunuan ni Regional Director (RD) Abdullah V. Matalam, pinangungunahan ni RD Atty. Geroncio R. Aguio ng National Commission on Indigenous People (NCIP), at National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa pangunguna ng RD Arch. Sherilla Porza-Sawah, uap, kalakip ang mga division Chiefs ng NCMF RO-11.
Ang Office for Other Bangsamoro Communities, sa ilalim ng Office of the Chief Minister, ay itinatag ayon sa Bangsamoro Autonomy Act No. 13 upang maghatid ng tuloy-tuloy na suporta at mga programang pangkaunlaran para sa mga Bangsamoro sa labas ng rehiyong BARMM. Bilang tugon sa magkakaibang lokasyon at hamon ng mga komunidad na ito, layunin ng OOBC na punan ang puwang sa serbisyong pampamahalaan, itaguyod ang kanilang mga pangangailangang sosyo-ekonomiko at kultural, at makipag-ugnayan sa mga LGU at ahensya ng pamahalaan para sa mas sistematikong pagtugon sa pangangailangan ng mga Bangsamoro na nasa labas ng BARMM.
Sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon, mas mapapabuti ang paghahatid ng serbisyo publiko, masosolusyunan ang mga isyu, at maisusulong ang tagumpay ng mga programa at proyekto. Mahalaga rin ito sa pagbubuo ng tiwala at matibay na ugnayan sa pagitan ng OOBC at iba’t ibang ahensya. Ang Pre-OBC MANA ay isang patuloy na pagsisikap na maabot ang iba pang target na mga probinsya at ahensya hanggang Abril 25, 2025 sa Rehiyon ng Davao. (BMN/BangsamoroToday kasama ang ulat mula sa OOBC)