MSSD, Pinaigting ang Pagsubaybay sa mga Programa sa Tawi-Tawi sa Pamamagitan ng Random Spot-Checks

(MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-17 ng Abril, 2025) —Nagsagawa ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng dalawang araw na random spot-check monitoring activity sa mga bayan ng Bongao at Panglima Sugala, Tawi-Tawi noong ika-7 hanggang ika-8 ng Abril.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng regional monitoring team ng MSSD mula sa Monitoring and Evaluation Section ng Planning and Development Division. Bahagi ito ng mas pinaigting na hakbang ng MSSD para suriin ang pagpapatupad ng mga programa, matukoy ang mga kailangang ayusin, at tiyakin ang pagiging tama ng mga datos.

Kabilang sa mga binisita at kinausap ay ang mga persons with disabilities na tinutulungan sa ilalim ng Kalinga para sa May Kapansanan Program, mga batang ulila na nasa ilalim ng Kupkop Program, mga benepisyaryo ng Unlad Pamilyang Bangsamoro Program para sa kabuhayan, at mga para-social workers ng Lingkod Pamayanan para sa Kapayapaan Program. Ininspeksyon din ng grupo ang mga child development centers sa ilalim ng Early Childhood Care and Development Program at kinausap ang mga child development workers.

Random na pinili ang mga benepisyaryo gamit ang Beneficiary Data Management System (BDMS) — isang platform ng MSSD para sa mas mabilis na pagkumpirma ng pagkakakilanlan, pagsusuri ng benepisyo, at tamang pagtatala ng mga serbisyo.

Ayon kay Moctar Abubakar, pinuno ng Monitoring and Evaluation Section at team leader ng monitoring team:  

“The random spot check monitoring activity is part of MSSD’s efforts to intensify its monitoring and evaluation initiatives. It aims to assess the implementation of programs and services, identify areas for improvement, and ensure alignment with approved guidelines. It also seeks to verify the data collected through the BDMS and evaluate its quality and integrity.”

Dagdag pa niya, “This is also a way to document the best practices of our field workers and highlight the success stories of beneficiaries at the grassroots level.”

Binigyang-diin din ni Joy-Ann Sajiran-Kamlian, Municipal Social Welfare Officer ng Panglima Sugala, ang kahalagahan ng ganitong monitoring activity.

“This activity was beneficial for us at the unit level because we were able to showcase the success stories in the communities. It also helped us identify areas where implementation could be strengthened, address bottlenecks, and plan for improvements,” anya pa. 

Isa sa mga benepisyaryo, si Abdula Abdillah, isang 63-taong gulang na tricycle driver mula Brgy. Pasiagan sa Bongao, ay nagbahagi ng kanyang karanasan: “Because of the prosthesis I received, it has become easier for me to move around. My previous prosthesis, which I used for 34 years, was already damaged. Now that I have a new one, it’s much easier for me to work and support my family.”

Nagkaroon din ng courtesy visits ang monitoring team sa mga lokal na pamahalaan at nagdaos ng exit briefing kasama ang mga opisina sa probinsya at munisipyo. Ang mga datos at obserbasyon mula sa field ay isusumite sa regional office upang makatulong sa pagpapabuti ng mga patakaran at gabay sa pagpapatupad ng programa.

Kasama sa monitoring team ang mga kinatawan mula sa Planning and Development Division, Protective Services and Welfare Division, Disaster Response and Management Division, at Information and Communications Division, pati na rin ang mga tauhan mula sa probinsya at munisipyo. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD Develops Gender-Responsive GAD Agenda in Davao City
Next post 10th Intergovernmental Energy Board, Naghatid ng Malalaking Tagumpay sa Pamamahala ng Enerhiya sa BARMM