Advertisement Section
Header AD Image

Madaris Education Director General, Panauhing Pandangal sa Kauna-unahang Moving Up Ceremony ng Unang Pampublikong Madrasah sa Pilipinas

(Litrato mula sa MBHTE-Madaris Education)

COTABATO CITY (Ika-16 ng Abril, 2025) — Dumalo si Director General Tahir G. Nalg ng Madaris Education ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) bilang Panauhing Pandangal sa kauna-unahang Moving Up Ceremony ng Unang Pampublikong Madrasah sa bansa na matatagpuan sa Cotabato City noong Lunes, ika-14 ng Abril.

May kabuuang 130 mag-aaral mula Tahderiyyah (Kindergarten) hanggang Grade 3 ang nagtapos ngayong School Year 2024-2025 matapos nilang makumpleto ang mga kinakailangang kurikulum ng Department of Education (DepEd) at MBHTE.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni DG Nalg ang mga lider ng Bangsamoro dahil sa kanilang sipag at dedikasyon sa pagpapabuti ng edukasyon sa rehiyon. Aniya, “most notable among them is the establishment of Public Madrasah—First ever in the entire country.”

Binati rin niya ang mga nagsipagtapos at tinawag silang mga “pioneer learners” ng natatanging institusyong ito. “Congratulations for being part of this milestone program in our education in the BARMM. mula sa ating mga mag aaral, sa mga magulang, to our teachers, Madrasah Management and the local leaders,” dagdag pa ni DG Nalg.

Nagpasalamat din si DG Nalg sa mga lokal na taga suporta ng paaralan, pangunguna ni Gng. Monawara Salik, ang punong-guro ng Madrasah, at ni Brgy. Captain Datu Wawi Sema ng Mother Barangay Tamontaka.

Ayon pa kay DG Nalg, “This manifests that any noble plan even with meager resources can be achieved through determination and sincere intentions.”

Hinikayat niya ang mga batang mag-aaral at kanilang mga magulang na ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap upang makamit ang de-kalidad na edukasyon. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MILF at AFP,  Makikipagtulungan para sa Mapayapang Halalan
Next post MSSD Develops Gender-Responsive GAD Agenda in Davao City