UNYPAD Pres. Kudto, Bumisita sa NCR Chapter, Nagbigay ng Update sa Pagpapatupad ng GPH-MILF Peace Agreement

(Litrato mula sa UNYPAD NCR Chapter)

COTABATO CITY (Ika-12 ng Abril, 2025) — Bumisita sa National Capital Region (NCR) chapter ng United Youth for Peace and Development, Inc. (UNYPAD) sina Dr. Rahib L. Kudto, ang Pambansang Pangulo ng UNYPAD na miyembro din ng Third-Party Monitoring Team (TPMT) , at Nasrullah M. Abdullah, ang Direktor ng UNYPAD Development Management Center (DMC) nitong nakalipas na araw upang bigyan ng update ang chapter ng organisasyon sa pagpapatupad ng Peace Agreement sa pagitan ng MILF at ng Pamahalaan ng Pilipinas.

Tinalakay din ang mga hamon na kinakaharap ng UNYPAD NCR chapter sa pagpapatupad ng kanilang mga aktibidad. Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Dr. Kudto ang mahahalagang kaalaman kung paano malalampasan ang mga hamon at pinuri rin niya ang matagumpay na pagpapatupad ng mga programa noong buwan ng Ramadan.

Dumalo rin sa pagpupulong ang ilang mahahalagang lider sa rehiyon gaya nina Regional Coordinator Kamim Macmod, NCR Chapter Chairman Abdulmaula Lumimbang, at Women’s Affairs Committee (WAC) Chairwoman Omuhani Mabandes, kasama ang iba pang masigasig na opisyal ng chapter.

Lubos ang pasasalamat ng NCR chapter sa pambansang pamunuan ng UNYPAD para sa kanilang oras at makabuluhang pagbibigay ng gabay sa pagpapalakas ng NCR chapter.

“Mula sa Taguig Chapter at Barangay Chapter, taos-puso naming pinasasalamatan sina Dr. Rahib Kudto at Brod Thoe Bin Abdullah sa kanilang suporta at pagbibigay-inspirasyon,” pasasalamat ng isa sa opisyales ng NCR Chapter.

Sa pahayag ng Taguig Chapter, ang pagbisita ay naging inspirasyon hindi lamang sa NCR chapter kundi pati na rin sa mga lokal na chapter. “Tunay naming pinahahalagahan ang kanilang pagsisikap sa paggabay at pagpapatibay sa bawat chapter habang patuloy tayong nagsusumikap para sa kapayapaan at kaunlaran sa ating mga komunidad,” dagdag pa sa mensahe ng UNYPAD NCR chapter. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MFBM Recognizes the Importance of the Annual Bangsamoro Local Revenue Collection Forum to Strengthen BARMM’s Fiscal Autonomy
Next post 10M Halaga ng Faculty Training Center, Pinasinayaan sa MSU-Sulu