10M Halaga ng Faculty Training Center, Pinasinayaan sa MSU-Sulu

(Litrato mula sa MSU-Sulu)

COTABATO CITY (Ika-12 ng Abril, 2025) — Isang makabagong pasilidad para sa pagsasanay ng mga guro ang pormal na itinurn-over ng Bangsamoro Government sa Mindanao State University (MSU) – Sulu noong ika-3 ng Abril, bilang bahagi ng patuloy na suporta sa edukasyon para sa mga mamamayang Bangsamoro sa lalawigan.

Ang bagong pasilidad ay itinayo ng Ministry of Public Works – Sulu 1st District Engineering Office (MPW-Sulu 1st DEO) at may kabuuang halaga na P10 milyon. Ito ay pinondohan sa pamamagitan ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) ni Member of Parliament Adzfar Usman.

Mayroon itong training hall, mga opisina, dalawang maayos na palikuran, at iba pang mahahalagang pasilidad na layuning suportahan ang mga programang pangkaunlaran para sa mga guro.

Dumalo sa opisyal na pagbubukas ng pasilidad ang mga opisyal ng unibersidad, kinatawan mula sa BARMM, at iba pang panauhin. May naganap na ribbon-cutting at paglilibot sa bagong gusali. Binigyang-diin ng mga tagapagsalita ang kahalagahan ng pasilidad sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa MSU-Sulu.

Nagpasalamat nang taos-puso si MSU-Sulu Chancellor Dr. Nagder J. Abdurahman kina MP Usman at sa Bangsamoro Government sa kanilang suporta:

“Alhamdulillah Alhamdulillah Alhamdulillah… We thank you for this laudable project. May Allah bless you more.”

Bago ang proyektong ito, walang sapat na lugar ang MSU-Sulu para sa pagsasanay ng mga guro. Dahil dito, inaasahang mas mapapalawak ang mga oportunidad para sa kanilang propesyonal na pag-unlad, na makikinabang din ang mga estudyante.

Sa kanyang closing remarks, binigyang-diin ni Engr. Ajan S. Ajijul, District Engineer ng MPW-Sulu 1st DEO, ang kahalagahan ng nasabing pasilidad sa patuloy na pagpapalago ng kakayahan ng mga guro. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post UNYPAD Pres. Kudto, Bumisita sa NCR Chapter, Nagbigay ng Update sa Pagpapatupad ng GPH-MILF Peace Agreement
Next post MOST holds Digital Entrepreneurship Training for 50 Employees