Hustisya, sigaw ng Bangsamoro sa ikinasang Solidarity Rally for Palestine

(Photo by USM OJT Student Melody N. Flores, BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-11 ng Abril, 2025)  —  Mahigit 600 organisasyon mula sa iba’t ibang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang lumahok sa isang makasaysayang rally ng pagkakaisa para sa Palestine na dinaluhan ng 6,000 Bangsamoro na ginanap sa Cotabato City Plaza noong ika-9 ng Abril, 2025, na inorganisa ng League of Bangsamoro Organizations (LBO) Inc.

Layunin ng rally na maipakita ang pakikiramay at suporta sa mga mamamayan ng Palestina na naapektuhan ng patuloy na hidwaan sa Gaza, at nanawagan para sa katarungan, kapayapaan, at pagkakaisa.

Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni LBO Chairman Mr. Tungko Tuntagan ang pagkakaisa ng tao sa kabila ng iba’t ibang pinagmulan, “This rally is a powerful statement…We share a common humanity, and humanity conveys us to speak out against oppression, violence, and complaint. Their pledge is our fight, their fight is our fight, their hope is our hope. Ang pangarap nilang kapayapaan ay pangarap nating lahat.”

Si Ustadz Anisa Taha, isang panauhing tagapagsalita, ay nananawagan: “We, the Bangsamoro women, are calling on the world to stop the war in Palestine. Stop killing women, stop killing children, stop the genocide.” Binanggit niya ang paghihirap ng mga kababaihan at batang babae sa Palestine, at hinimok ang UN at mga awtoridad sa buong mundo na maghanap ng solusyon upang wakasan ang hidwaan.

Si Municipal Mayor Zuhria S. Bansil ng Matanog ay naghatid ng isang mensahe ng pagkakaisa, na binibigyang-diin ang pagkakaisa ng tao na nag-uugnay sa mga mamamayan ng Bangsamoro sa mga Palestinian sa kabila ng distansya sa heograpiya.

“As a Mayor of Matanog, it is with deep prayer, unwavering solidarity, and strong commitment that I share this message with our Palestinian Brothers and Sisters who are enduring unspeakable hardship during these troubling times. To our Palestinian Brothers and Sisters, especially those in Gaza, please know that even though we are physically distant we are deeply connected due to our common humanity and empathy,” ayon kay Mayor Zuhria Bansil.

Ang batang panauhing tagapagsalita na si Dzuvir Lumambas ay nag bahagi rin ng kanyang pananaw, kinikilala ang katatagan ng mga mamamayan ng Gaza at nananawagan para sa agarang aksyon upang matugunan ang krisis sa humanitarian at protektahan ang mga karapatang pantao.  

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kolektibong pagkilos upang magdala ng kapayapaan at katarungan sa Gaza. Ipinakita ng Bangsamoro sa rally ang malawak na suporta para sa kalayaan ng Palestine. (USM OJT Student: Bai Onamayda P. Dilanggalen, BMN/Bangsamoro Today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD Launches Digital Financial Inclusion Program for Learners of the Center for Persons with Disabilities
Next post MENRE Donates Titled Lots to Basilan Police Provincial Office Headquarters