
MSSD First 1,000 Days at Program Re-orientation, Isinagawa sa 200 Benepisyaryo ng 4Ps sa Bacolod-Kalawi

COTABATO CITY (Ika-9 ng Abril, 2025) — Nagsagawa ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng dalawang araw na orientation tungkol sa First 1,000 Days (F1KD) at Program Re-orientation para sa mahigit 200 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps) sa Bacolod-Kalawi, Lanao del Sur noong Ika-6 hanggang ika-7 ng Abril.
Ayon sa MSSD, ang layunin ng orientation ay upang turuan ang mga benepisyaryo ng 4Ps ukol sa mga mahahalagang patakaran hinggil sa First 1,000 Days ng buhay ng isang bata mula sa pagbubuntis hanggang sa ikalawang taon ng bata. Ang panahong ito ay itinuturing na kritikal para sa kalusugan, nutrisyon, at pag-unlad ng bata, kaya’t isang global na layunin ang matutukan ito.
Dumalo sa aktibidad ang mga health workers, mga lokal na lider ng munisipyo at barangay, pati na rin ang mga lider ng mga magulang mula sa 4Ps. Ipinakita ng aktibidad ang pagtutok ng programa sa pag sigurado na ang mga buntis na kababaihan at mga batang may edad 0–24 buwan ay nasusubaybayan sa ilalim ng sistema ng 4Ps.
Pinagtibay rin sa program re-orientation ang mga responsibilidad ng mga benepisyaryo, kabilang ang regular na pagpunta sa mga health check up sa pinakamalapit na health center, isa sa mga kondisyon upang magpatuloy ang pagkuha ng health grants mula sa programa.
Ayon kay Esmael G. Umpara, Social Welfare Assistant ng MSSD–4Ps Bacolod-Kalawi: “We aim to ensure that all pregnant women and mothers with children aged 0 to 24 months are properly identified and included in the system, so they can fully access and benefit from the health and nutrition services provided by the program.”
Dagdag ng MSSD na hangarin din ng programa sa buong rehiyon ng BARMM na matiyak na ang lahat ng benepisyaryo ng 4Ps at ang kanilang mga partner health institutions ay lubos na ma-orient sa F1KD framework at mga inaasahan ng programa. Sa pamamagitan nito, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang mga lokal na ahensya ay nagsusumikap na mapabuti ang paghahatid ng serbisyo at ang pananagutan sa ilalim ng programa.
Binigyang diin sa programa ang kahalagahan ng wastong pagtatala ng mga buntis at mga batang may edad 0–24 buwan sa database ng 4Ps upang matiyak na ang mga serbisyong pangkalusugan at mga interbensyon ng programa ay naibibigay nang tama at sa tamang oras. Pinagtibay rin ang mas malapit na koordinasyon sa mga partner health facilities upang mapanatili ang mga na-update na rekord at mapalaganap ang kalusugan ng ina at bata sa pamamagitan ng regular na pagbisita at pagsubaybay sa nutrisyon.
Ang F1KD program, na bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ay naglalayong mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng mga ina at mga bata sa mga unang 1,000 araw ng buhay, isang panahon na itinuturing na kritikal para sa pag-unlad ng isang bata. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)