495 Parasocial Workers sa Lanao del Sur, Tumanggap ng Honoraria

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-3 ng Abril, 2025) — Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD), sa pamamagitan ng kanilang Lingkod Pamayanan para sa Kapayapaan Program, ay nagbigay ng honoraria sa mga parasocial workers sa 19 na munisipalidad ng Lanao del Sur mula ika-26 hanggang ika-27 ng Marso.

Umabot sa 495 na parasocial workers ang nakatanggap ng honoraria na nagkakahalaga ng PhP12,000, sa kanilang PhP4,000 na buwanang subsidiya para sa isang quarter.

Ang mga tumanggap ng honoraria ay mula sa mga sumusunod na munisipalidad: Amai Manabilang (14), Bubong (36), Balindong (33), Buadipuso Buntong (32), Ditsaan Ramain (32), Kapai (18), Lumbabayabao (35), Maguing (26), Marantao (34), Masiu (32), Molundo (19), Piagapo (25), Poona Bayabao (21), Saguiaran (21), Tagoloan (15), Tamparan (35), Taraka (18), Tugaya (23), at Wao (26).

Sinabi ng MSSD na mahalaga ang papel ng mga parasocial workers sa mga programa ng ministeryo bilang mga frontliner na tumutulong sa komunidad. Sila ang nag-aidentipika ng mga nangangailangan, tumutulong sa pamamahagi ng ayuda, at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak na ang mga programa ng social protection ay umabot sa mga tamang tao. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Inagurasyon ng KCC Mall sa Cotabato City Hakbang Tungo sa Pag-unlad ng Rehiyon
Next post MENRE, COMELEC Nagtulungan sa Grand Baklas Operation