
Inagurasyon ng KCC Mall sa Cotabato City Hakbang Tungo sa Pag-unlad ng Rehiyon

Macacua)
COTABATO CITY (Ika-2 ng Abril, 2025) —Dumalo ang bagong Gobernador Datu Sharifudin ng Maguindanao del Norte sa inagurasyon ng KCC Mall sa Cotabato City, nitong Martes kung saan ipinaabot niya ang kanyang suporta sa bagong bukas na mall at ang kahalagahan ng pag-unlad ng ekonomiya ng lungsod.
Binanggit din niya ang kahalagahan ng mga pamumuhunan sa imprastruktura at mga komersyal na establisimyento tulad ng mga mall, dahil malaki ang papel nito sa at pagbibigay ng trabaho sa mga lokal na residente.
Ang nasabing kaganapan ay dinaluhan ng mga mahahalagang opisyal tulad nina Chief Minister Abduraof Macacua, Sultan Kudarat Mayor Datu Tucao Mastura, CPA, Cotabato City Mayor Mohammad Matabalao, Cotabato City Vice Mayor Johari Abu, pati na rin ang iba pang mga opisyal ng gobyerno at mga stakeholder.
Ang KCC Mall ay ang pangalawang pinakamalaking shopping center sa Mindanao, na may kabuuang sukat na 180,000 square meters.

Macacua)
“When peace and good governance are in place, development follows. Investors come in when they see stability, potential, and reliable services. That’s exactly what Cotabato City offers today and we should all be proud,” wika ni Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” A. Macacua sa grand inagurasyon ng ika-apat na sangay ng Mindanao-grown shopping mall chain na Koronadal Commercial Corporation (KCC) sa Cotabato City.
Ito ay isang mahalagang hakbang para sa retail at ekonomiyang pag-unlad ng rehiyon, punto pa nito.
Binanggit pa niya na ang pagtatayo ng KCC Mall ay isang tagumpay para sa lahat at isang malinaw na patunay na ang Cotabato City ay patuloy na umaangat, na nagpapakita ng pagtatayo ng isang mas matatag at mas buhay na rehiyon.
“The opening of KCC Mall of Cotabato is not just about a new building—it’s about opportunity, hope, and progress. This is a big win for the people,” dagdag pa ng Chief Minister.
Nagpasalamat din ang punong lider ng BARMM sa KCC sa pagtangkilik nito sa Bangsamoro Government, at sinabi niyang ang tiwala ng KCC ay magsisilbing inspirasyon para sa kasalukuyang administrasyon upang mas pagbutihin pa ang serbisyo para sa mga tao ng Bangsamoro. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)