
BARMM Chief Minister Macacua, nagbigay ng P200K sa Top 1 Qur’an Reciter Al-Hafidh Bito

COTABATO CITY (Ika-29 ng Marso, 2025) —Ibinigay ni BARMM Chief Minister Abdulraof A. Macacua kay Alhafidz Muzaher Suwaib Bito ang PagP200,000.00 bilang hadiya o regalo nito sa isang courtesy meeting na ginanap sa Tanggapan ng Punong Ministro ngayong araw ng Sabado sa BGC, Cotabato City.
Nag-abot din ng regalo na dina natukoy na halaga si Bai Sandra Sinsuat A. Sema kay Al-Hafidh Bito sa nasabing courtesy meeting. Ang 18 years old na Bangsamoro Hafidh ay naghandog muna ng pagsasaulo ng Qur’an sa Tanggapan ni Chief Minister Macacua bago ang awarding ng Hadiya sa kanya nang lider ng BARMM.
Nandoon din ang mga pamilya at kaibigan ni Al-Hafidh Bito na lubos ang pasasalamat sa tagumpay nito kasabay ang isang salo-salo para sa Iftar sa ika-28 ng Ramadan.
Si Al-Hafidh Bito ay dumating sa bansa kaninang tanghali sa General Santos International Airport na nag-uwi ng karangalan matapos magwagi bilang Top 1 mula sa limamput pitong (57) kalahok na nanggaling sa ibat’ ibang bansa sa kakatapos na International Qur’anic Memorization Competition na ginanap sa Jordan noong March 24, 2025.
Pangatlong beses na itong naka sungkit sa pandaigdigang patimpalak sa pag-sasaulo ng Qur’an. Una nitong nakuha ang 3rd place award sa ika-27th Session ng Dubai International Holy Qur’an Contest noong March 12 to 23, 2024, sa Dubai, United Arab Emirates (UAE), at 2nd place naman ito sa King Abdulaziz International Qur’an Memorization and Recitation Competition na ginanap sa Kingdom of Saudi Arabia. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)