Bagong Miyembro ng Parlamento MP Benito, dumaan sa regular BTA Parliamentary Briefing

(Litrato mula sa Office of MP Abdulbasit Benito)

COTABATO CITY (Ika-27 ng Marso, 2025) — Nakipagpulong si Member of Parliament (MP) Abdulbasit R. Benito kay Secretary General Prof. Raby Angkal noong Miyerkules ng umaga sa Bangsamoro Government Center upang talakayin ang mga usapin sa parlyamentaryo.

Kasama ni MP Benito na kilala din sa pangalang “Bobby” ang mga miyembro ng kanyang opisina na sina Yusoph Lumambas at Muslima Benito, na nakibahagi rin sa mga talakayan.

Ayon sa official Facebook page ni MP Benito, sa pagpupulong ay nagbigay ng komprehensibong briefing at oryentasyon si Secretary General Angkal ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa gawain at mga responsibilidad ng Parliament.

Ang pakikipag-ugnayan ay naglalayong palakasin ang pakikipagtulungan at palalimin ang pag-unawa sa mga proseso ng parlyamentaryo, na tinitiyak ang epektibong pamamahala sa loob ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Si MP Benito ay naging opisyales ng United Youth of the Philippines (UnYPhil), at founder ng Bangsamoro Center for JustPeace (BCJP) na aktibo sa pagsusulong ng Karapatang Pantao bilang Human Rights Defenders noong panahon ng kaguluhan sa Mindanao taong 2000, 2003, at 2008.

Sya rin ay kasapi ng League of Bangsamoro Organizations (LBO) bago ito naging Miyembro ng Bangsamoro Parliament sa pamumuno ng bagong Interim Chief Minister Abdulraof A. Macacua. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Heed our call for protection and justice
Next post Teachers in BARMM ready to Support the 2025 National and Local Elections