Isang Tanggapan ng ICRC sa Rafah, Tinamaan ng Bomba

(Poster mula sa ICRC FB page)

COTABATO CITY (Ika-26 ng Marsso, 2025) — Isang tanggapan ng International Committee of the Red Cross (ICRC) sa Rafah ang nasira ng ito ay tamaan ng isang bomba sa kabila ng malinaw na marka at abiso sa lahat ng partido. Sa kabutihang palad, ayon sa ICRC ay walang kawani ang nasugatan sa insidenteng ito, ngunit ito ay may direktang epekto sa kakayahan ng ICRC sa kanyang operasyon. Mariing tinutuligsa ng ICRC ang pag-atake laban sa mga lugar nito.

Sinabi ng ICRC na ang paglala ng labanan sa Gaza sa nakalipas na linggo ay nagkaroon ng epekto sa mga tao, kung saan daan-daang sibilyan ang nasawi, ang ilan sa kanila ay nananatiling nakabaon sa ilalim ng mga durog na bato habang ang iba ay naiwan na hindi nailigtas.

Ang mga bagong evacuation order at matinding labanan ay nagiging sanhi ng mga tao na tumakas nang walang malinaw na mga lugar na ligtas, at maraming tao ang walang ibang mapupuntahan., dagdag pa ng ICRC.

Marami ang napilitang iwan ang kanilang mga tolda at mga gamit at kulang na suplay ng pagkain at ligtas na tubig. Ang mga medikal na pasilidad, kabilang ang Red Cross Field Hospital sa Rafah, ay tumutugon na rin sa mga insidente ng mass casualty.

Ang pagpapatuloy ng labanan at karahasan ay nagdudulot ng pagkawala ng pag-asa sa lahat ng panig,pahayag ng ICRC.

Ipinaalam din ng ICRC, na nawala ang pakikipag-ugnayan sa mga emergency medical technician mula sa Palestine Red Crescent Society (PRCS) at nananatiling hindi alam ang kanilang kinaroroonan. Noong nakaraang linggo, ang mga humanitarian workers sa Gaza ay namatay at nasugatan, dagdag sa ulat ng ICRC.

Ang International humanitarian law ay nagbibigay ng espesyal na proteksyon sa humanitarian relief at mga medikal na tauhan, mga pasilidad na medikal, at mga bagay na ginagamit para sa mga humanitarian relief operations. Dapat silang igalang at protektahan sa lahat ng pagkakataon upang matiyak ang pagpapatuloy ng pangangalaga. Hindi sila dapat atakihin.

Ayon sa ICRC, dapat gawin ng mga partido ang kanilang makakaya upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw at mahigpit na mga tagubilin sa mga may hawak ng armas. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MENRE Aktibong Lumahok sa 2nd Mindanao River Basin Management Council Environment Committee Meeting
Next post 401 Iskolar sa Sulu, Nabigyan ng MBHTE-TESD 2025 Bangsamoro Scholarship Program