MOH-BARMM Ibinigay ang 100 Loot Bags sa MTIT para sa mga Orphan

(Litrato mula sa MOH-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-25 ng Marso, 2025) — Ibinigay ng Ministry of Health—Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-BARMM) ang isang daang (100) loot bags, na naglalaman ng limampung (50) pares ng thobe at praying mat para sa mga kalalakihan, at limampung (50) pares ng mukna sets at praying mat para sa mga kababaihan, sa Ministry of Trade, Investments, and Tourism (MTIT)-BARMM.

Ang mga item na ito ay ipamamahagi naman sa mga piling orphan sa Children’s Night ng Bangsamoro Government sa pamamagitan ng MTIT noong ika-21 ng Marso.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pangako ng Ministry of Health na tutukan ang kapakanan ng komunidad ng Bangsamoro, lalo na ang mga nangangailangan.

Isa rin itong makabuluhang gawain
sa panahon ng banal na buwan ng Ramadhan, na punong-puno ng pasasalamat kay Allah SWT sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Kanyang mga biyaya sa iba, na naglalapit sa tao at sa Kanya na lumilikha ng isang positibong epekto na makikinabang ang mga indibidwal, komunidad, at ang buong lipunan. (Hasna U. Bacol,BMN/ BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bangsamoro Internal Displacement Coordinating Council holds TWG Meeting-Workshop
Next post MENRE Aktibong Lumahok sa 2nd Mindanao River Basin Management Council Environment Committee Meeting