MENRE Aktibong Lumahok sa 2nd Mindanao River Basin Management Council Environment Committee Meeting

(Litrato mula sa MENRE-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-25 ng Marso, 2025) — Aktibong nakibahagi ang Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa ikalawang pagpupulong ng Environment Committee ng Mindanao River Basin Management Council (MRBMC) noong ika-21 ng Marso.

Pinangunahan ng Mindanao Development Authority (MinDA) ang pagpupulong na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan (LGUs), at non-government organizations (NGOs) upang pag-usapan ang mga isyu sa kalikasan na may kaugnayan sa ilog.

Bilang kawani ng MENRE, si Senior Ecosystems Management Specialist Datun K. Salipada, focal person para sa watershed management sa ilalim ng Biodiversity, Ecosystems, Research and Development Services (BERDS) ay kasama siya sa mga nagrepaso at nagrekomenda ng mga estratehiya upang mapigilan ang natural na panganib sa ilog.

Tinalakay sa pagpupulong ang iba’t ibang isyu, kabilang ang Simuay Watershed Management Council, ang panukalang pagtatayo ng Ligawasan Marsh Research and Development Center ng Ministry of Science and Technology, at ang paggamit ng nature-based solutions tulad ng pagtatanim ng kawayan upang mabawasan ang siltation sa mga pampang at ilog.

Ayon sa MENRE, sa susunod na mga hakbang, makikipagtulungan ang MinDA sa MRBMC Secretariat upang mapalawak ang kasapian ng Environment Committee, kabilang ang sektor ng akademya. Samantala, hiniling ng MENRE sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region XII na ibahagi ang kanilang pinakabagong pag-aaral tungkol sa watershed characterization at vulnerability assessment ng Simuay Watershed ng Maguindanao del Norte. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MOH-BARMM Ibinigay ang 100 Loot Bags sa MTIT para sa mga Orphan