400 BSASE Scholars ng MOST, Nanumpa at Tumanggap ng Grant

(Litrato mula sa MOST-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-21 ng Marso, 2025)—400 na scholars mula sa Bangsamoro Special Assistance for Science Education (BSASE) ang nanumpa ngayong araw, ika-20 ng Marso, na ginanap sa EM Manor Hotel at Convention Center sa Cotabato City.

Ayon sa MOST nais mapabuti ang kalidad ng edukasyon, sa science sa rehiyon sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mag-aaral na kumukuha ng mga kursong agham at teknolohiya sa kolehiyo. Layunin nitong magtaguyod ng isang mataas na kalidad ng eksperto na manggagawa sa larangan agham at teknolohiya na makakatulong sa pag-unlad ng agham, teknolohiya, inobasyon, at ang pang-ekonomiyang pag-unlad ng Bangsamoro region.

Dumalo sa kaganapan sina MOST Minister Engr. Aida M. Silongan, PhD, Deputy Minister Prof. Hashim B. Manticayan, Bangsamoro Director-General Engr. Abdulrakman K. Asim, kasama ang iba pang opisyal ng MOST, MBHTE Director Johny Balawag, Director Thong Amino, mga miyembro ng parlamento na sumusuporta sa scholarship program, Police Colonel Salman Sapal, mga magulang, at mga grantees. Pinangunahan ni Director Balawag ang oath-taking ng 400 na grantees.

Sa kanyang mensahe, binati ni Minister Silongan ang mga bagong grantee at hinihikayat silang gamitin ang agham, teknolohiya, at inobasyon upang magbigay ng malaki at makabuluhang kontribusyon sa hinaharap ng Bangsamoro.

“You are the future of our nation. You have been entrusted with an incredible responsibility to push the boundaries of knowledge, to innovate, and to lead with integrity and vision. Your success is not just your own—it is a victory for your family, your community, and for all of us,” aniya.

Binigyang-diin din niya ang mga tagumpay ng programa ng ministeryo na malaki ang naitulong sa mga mag-aaral ng Bangsamoro. Kasama dito ang Bangsamoro Assistance for Science Education (BASE), BASE-Merit, Mujahideen Assistance for Science Education, Professional Assistance for Science Education (PASE), Bangsamoro International Grants Assistance, at BSASE.

Ang mga grantees ngayong taon ay makakatanggap ng limang buwang allowance (katumbas ng isang semestre) na nagkakahalaga ng PhP40,000.00 para sa buwan ng Enero hanggang Mayo. Pagkatapos nito, patuloy na makakatanggap ang mga scholars ng PhP8,000.00 kada buwan habang sila ay nag-aaral. Ang proseso ng aplikasyon ay pinadali sa pamamagitan ng Office of MPs at ng Ministry of Science and Technology, sa ilalim ng Bangsamoro Autonomy Act (BAA), na naglalayong tulungan ang mga karapat-dapat na mag-aaral sa buong rehiyon.

Sa pamamagitan ng MOST Science Education, Scholarships, and Grants at Special Project Management, layunin ng programa ng scholarship na paunlarin ang edukasyon sa agham at bigyan ng kapangyarihan ang mga mag-aaral ng Bangsamoro upang magtagumpay sa kanilang mga larangan ng S&T. Inaasahan na ang mga scholars na ito ay magiging mga lider na magsusulong ng inobasyong pang-agham, pananaliksik, at pag-unlad ng teknolohiya sa rehiyon. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Team UBJP Distributes Rice to Over 7,000 Residents of DOS, MDN
Next post MBHTE, nagtalaga ng 626 bagong guro at kawani sa SDO Maguindanao del Sur