MBHTE Namahagi ng Armchairs sa mga Paaralan sa Bangsamoro region

(Litrato mula sa MBHTE-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-19 ng Marso, 2025) — Matagumpay na isinagawa ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang pamamahagi ng armchairs sa ilalim ng proyekto na “Improve Quality Education in the Bangsamoro Land” mula ika-12 hanggang ika-14 ng Marso. Ang mga armchair na ito ay ipinamigay sa iba’t ibang School Divisions Office (SDO) upang suportahan ang pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa rehiyon ng Bangsamoro.

Ang mga sumusunod na paaralan at opisina ng mga distrito ng mga paaralan ay nakatanggap ng mga armchair sa Cotabato City SDO ay ang J. Marquez Elementary School , Don E. Sero Elementary School , Datu Siang Central Elementary School.

Sa Maguindanao del Sur SDO ay ang Kuhan Elementary School, Lete Elementary School, Mafran Elementary School, Tumabaga Elementary School.

At sa Tawi-Tawi SDO naman ay Danglog Elementary School, Lupah Pula Elementary School, Tengol-Tengol Primary School, Kamagong Primary School, Lugpond Elementary School, Ipil Primary School, Hadji Aluk Elementary School, Haji Sha Tabarasa Elementary School, Belatan Halo Primary School, Lapid-Lapid Primary School, Asaron Primary School, Usop Dais Elementary School, BasBas Likud Elementary School, Bukong Primary School, Haji Akbar Ulama School.

Ayon sa MBTE, ang proyekto ay bahagi ng mga hakbang ng MBHTE upang mapabuti ang pasilidad ng mga paaralan sa rehiyon ng Bangsamoro at matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng mas komportableng pag-aaral. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Pagsasanay sa Karapatang Pantao at Amnestiya, Isinagawa para sa MILF Trainers sa Cotabato City
Next post MOST-BARMM Nagsagawa ng Sertipikasyon para sa mga Miyembro ng Electoral Board sa Paghahanda sa 2025 NLE