
Papel ng Bangsamoro Kababaihan sa Lipunan, Pinag-usapan sa Cotabato City Jail-Female Dormitory

COTABATO CITY (Ika-17 ng Marso, 2025) — Ipinagmamalaki ng Cotabato City Jail – Female Dormitory (CCJ-FD) sa pamumuno ni Jail Inspector Cherry Cheng Durante ang matagumpay na pagdaraos ng “Lecture on the Role of Bangsamoro Women in Society” na dinaluhan ng 29 na babaeng Persons Deprived of Liberty (PDL) noong ika-14 ng Marso, bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan.
Sa pakikipagtulungan ng Bangsamoro Women Commission (BWC), tinalakay ni Ustadza Anisa Taha Arab sa mga PDL ang kahalagahan ng papel ng mga kababaihang Bangsamoro sa lipunan, at binigyang-diin ang pundamental na kahalagahan ng pamilya.
Ayon sa Tanggapan ni MP Suharto “Teng” Ambolodto na kasama sa sumuporta sa Programa, ay pinuri nito ang inisyatiba na nagbigay ng makabuluhang pagkakataon para sa pagninilay at edukasyon sa mga PDL.
Sa pagpapakita ng mga kontribusyon ng mga kababaihan, higit pang napalawak ang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa ating komunidad. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)