Ramadhan Outreach Program ni MP Antao, Nakarating na sa mga Imam at Iba pang Sektor

(Litrato mula sa FB Page ni MP Mohammad Kelie U. Antao)

COTABATO CITY (Ika-15 ng  Marso, 2025) — Patuloy ang pagbibigay ng ayuda ni Member of the Parliament (MP) Mohammad Kelie U. Antao sa mga imam at iba pang miyembro ng komunidad sa Kadayangan, Special Geographic Area (SGA), sa pamamagitan ng kanyang Ramadhan Outreach Program.  

Namahagi ang kanyang tanggapan ng pinansyal na tulong at bigas sa mga imam at opisyales ng Moro Islamic Liberation Front ( MILF) Committee on Da’wah and Masajid Affairs bilang suporta sa kanilang mahalagang papel sa lipunan, lalo na ngayong buwan ng Ramadhan.  

Ayon kay MP Antao, matagal na niyang ginagawa ang programang ito hindi lamang tuwing Ramadhan kundi pati sa mga karaniwang buwan upang makatulong sa mga lider panrelihiyon at iba pang sektor. Mula nang umupo siya bilang MP, ang mga imam ang naging unang benepisyaryo ng kanyang inisyatibo.  

Bukod sa mga imam, nakatanggap din ng ayuda ang iba’t ibang sektor ng lipunan na nangangailangan ng suporta. Ipinagpatuloy ng kanyang tanggapan ang ganitong aktibidad bilang bahagi ng kanilang layuning magbigay ng tulong sa komunidad at palakasin ang pagkakaisa sa Bangsamoro. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BWC Honors Outstanding Women in National Women’s Month Celebration
Next post BARMM Government Opisyal na Itinurn-over ang 25 Solar-Powered  Streetlights sa Tamparan, LDS