25 Tile Setting NC II Scholars, Nagtapos sa Munai, Lanao del Norte

(Litrato mula sa MBHTE-TESD BARMM)

COTABATO CITY (Ika-11 Ng Marso, 2025) — Matagumpay na nagtapos ang dalawampu’t limang (25) mag-aaral mula sa Tile Setting NC II na isinagawa sa ilalim ng BSPTVET. Ang seremonya ay ginanap noong ika-6 Ng Marso sa Camp Bilal, Kura-kura, Brgy. Tamparan, Munai, Lanao del Norte.

Masayang tinanggap ng mga nagsipagtapos ang kanilang Training Support Fund at mga sertipiko ng kanilang pagsasanay.

Dumalo sa seremonya si Member of Parliament H. Abdullah “Commandrr Bravo” Macapaar upang magbigay ng suporta sa mga nagtagumpay.

Patuloy na nagsasagawa ang TESDA Provincial o City Manpower Development Center ng mga programa para magbigay ng mataas na kalidad ng pagsasanay sa mga Bangsamoro. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Inflation Rate sa BARMM noong Pebrero Bumaba ng 0.2%; Ikalawang Mababang Antas sa Buong Pilipinas
Next post Bangsamoro Senior Citizens Sub-Committee, Nagpulong  para Palakasin ang Kapakanan ng mga Senior Citizen sa BARMM