MOH-BARMM at LGU Nabalawag Nagtulungan para sa Kutis Kilatis sa Komunidad ng Brgy. Kadigasan, Nabalawag, SGA-BARMM

(Litrato mula sa MOH-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-5 ng Marso, 2025) — Sa pakikipagtulungan ng Ministry of Health BARMM at Special Geographic Area-Field Health, isinagawa ng RHU Nabalawag ang Kutis Kilatis Campaign noong ika-17 ng Pebrero  bilang bahagi ng pagdiriwang ng Leprosy Control Week 2025 na layuning magbigay ng kaalaman tungkol sa mga sakit sa balat, lalo na ang ketong (leprosy), at magbigay ng libreng konsultasyon at gamutan para sa mga apektadong pasyente.  

Dumalo sa aktibidad sina Mohaima W. Pandita, RN, Regional Leprosy Coordinator, at Jeamonnie Mhay M. Dayaan, RM, LPT, NLCP Assistant Coordinator ng Ministry of Health BARMM bilang kinatawan ni Dr. Kadil M. Sinolinding, Minister of Health BARMM. Sa kanilang mensahe, ipinahayag nila ang kanilang suporta sa programang ito at ang pangakong palakasin pa ang kampanya sa buong BARMM Province. Nagbigay rin ang MOH ng libreng gamot para sa mga pasyenteng may ketong.  

Kasama rin sa pagsuporta si Jasmine P. Bayao, RN, IDC Coordinator ng Special Geographic Area, na kasama ang kanyang grupo sa pagsusulong ng pagpigil sa pagkalat ng ketong, pagtanggal ng stigma, at pagpapalakas ng maagang pagsusuri at tamang gamutan sa tulong ng RHU Kadigasan.  

Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong ng Barangay Local Government Unit (BLGU) Kadigasan, sa pangunguna ni Brgy. Chairman Hon. Jasmin E. Mohamad at Kagawad Meriam Katog na aktibong nakiisa upang mapanatili ang malusog na pamumuhay sa kanilang komunidad. Pinamumunuan ni Dr. Anwar  Z. Saluwang ang munisipyo ng Nabalawag bilang OIC Chief Executive. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MP Ambolodto at MBHTE Namahagi ng Learning Kits sa mga Mag-aaral ng Kusiong Elementary School
Next post BIAF-MILF Reinforces Commitment to Humanitarian Principles Through Geneva Call Partnership