
MBHTE, Nagsagawa ng Groundbreaking Ceremony para sa mga Bagong Pasilidad sa Tawi-Tawi

COTABATO CITY (Ika-4 ng Marso, 2025) — Nagsagawa ng ng groundbreaking ceremonies ang Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) sa Schools Division Office ng Tawi-Tawi noong ika-13 ng Enero. Isa sa mga proyektong sinimulan ay ang pagtatayo ng Provincial Training Center Dormitory at isang computer laboratory sa Paniongan, Bongao, Tawi-Tawi.
May kabuuang pondo itong Php23,922,260, na magmumula sa SDF 2023 at GAAB 2024. Layunin nitong mapabuti ang kalidad ng edukasyon at pagsasanay sa lugar.
Bukod dito, inilunsad din ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng dalawang-palapag na Madaris Education Learning Center sa Barangay Magsaggaw, Balimbing, Panglima Sugala, Tawi-Tawi. May nakalaang Php48,500.00 para sa proyektong ito, na naglalayong palakasin ang edukasyon sa Islamic studies para sa mga mag-aaral sa komunidad.
Ang mga bagong pasilidad na ito ay bahagi ng pagsisikap ng MBHTE na tiyakin na walang Bangsamoro learner ang maiiwan sa pag-unlad ng edukasyon. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)