
Project TABANG Patuloy ang Pagtulong sa mga Bangsamoro sa Lungsod ng Cotabato at Tawi-Tawi

COTABATO CITY (Ika-27 ng Pebrero, 2025) — Patuloy ang Project TABANG sa paghahatid ng tulong sa mga nangangailangang Bangsamoro sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Nitong Miyerkules, ika-26 Pebrero, isinagawa ang pamamahagi ng food packs at bigas sa mga marginalized na grupo sa Bongao, Tawi-Tawi sa ilalim ng Ayuda Alay sa Bangsamoro (ALAB) Program.
Bukod dito, namahagi rin ang Project TABANG ng 165 hygiene kits sa mga markadz at orphanage centers ng IHH Humanitarian Relief Foundation sa mga barangay ng Poblacion 8 at Tamontaka II, Cotabato City. Ang mga kit na ito ay layong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng mga benepisyaryo.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, patuloy na pinagtitibay ng Bangsamoro Government ang adhikain nitong gawing makabuluhan at mas ligtas ang buhay ng bawat Bangsamoro. Ang Project TABANG ay nananatiling katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng Moral Governance at pagbibigay ng agarang tulong sa mga nangangailangan. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)