Mahigit 600 na Senior Citizen, Tumanggap ng Pensyon sa Talipao, Sulu

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-25 ng Pebrero, 2025) — Nasa kabuuang 696 indigent o mahihirap na senior citizens mula sa 21 barangay sa bayan ng Talipao, Sulu, ang nakatanggap ng kanilang social pension mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) noong ika-21 hanggang ika-22 ng Pebrero.

Ginawa ang pamamahagi sa opisina ng MSSD Talipao Unit, kung saan kabuuang 696 senior citizens ang tumanggap ng PhP6,000 bawat isa, bilang kanilang pensyon sa loob ng anim na buwan.

Ang Social Pension (SocPen) Program ay isang pambansang programa ng gobyerno na ipinatutupad ng MSSD sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Layunin nitong matulungan ang mga nakatatandang walang sapat na kita o suporta mula sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng buwanang tulong-pinansyal para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ipinapakita ng programang ito ang patuloy na pagsisikap ng MSSD at ng Bangsamoro Government na pangalagaan ang kapakanan ng mga nakatatanda, lalo na iyong nasa mahihirap at walang matatag na pinagkukunan ng kabuhayan. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Chief Minister Ebrahim Nakipagpulong sa United Overseas Bangsamoro
Next post 2nd Project Board Meeting ng Bangsamoro Agri-Enterprise Programme, Sumentro sa Pagpapalakas ang Agrikultura at Negosyo sa Rehiyon