The Asia Foundation nagsagawa ng Forum at Outcome Harvesting sa Proyektong Activate Bangsamoro

Ang paggawad at pagkilala ng The Asia Foundation at UK Government sa kontribusyon at kahusayan ng Bangsamoro Multimedia Network o BMN sa hindi mapapantayang suporta nito sa pagsulong ng aktibong mamamayan para sa  Bangsamoro Combatants sa anim (6) na  Major MILF Camps sa Bangsamoro region sa pag-implementa nito sa voters’ community roll-out para sa  Activate Bangsamoro Project. Tinanggap ng BMN Chairman Tu Alid Alfonso, Executive Director Faydiyah Samanodi Akmad at Project Staff Sahara A. Saban ang Token of Gratitude. (Litrato ng BMN/BangsamoroToday)

DAVAO CITY (Ika-19 ng Pebrero, 2025) — Matagumpay na naidaos ang Activate Bangsamoro Partners Forum at Outcome Harvesting sa Acacia Hotel, Davao City noong Pebrero 17-18, 2025 na pinangunahan ng The Asia Foundation (TAF), UK Government, at British Embassy-Manila, at dinaluhan ng iba’t ibang CSOs Partners tulad ng Probe Media Foundation Inc. (PMFI), Legal Network for Truthful Election (LENTE), HIRAYA, United Voices for Peace Network Inc. (UVPN), United Youth for Peace and Development (UNYPAD), Maguindanaon Development Foundation Inc. (MDFI), Mindanao Organization for Social and Economic Progress Inc. (MOSEP), Tiyakap Kalilintad (TKI), Teduray Lambangian  Women’s Organization Inc. (TLWOI), at  ang Bangsamoro Multimedia Network (BMN) Inc., mga kinatawan ng BARMM Government, upang talakayin ang progreso ng demokratikong pakikilahok sa BARMM at ang nalalapit nakaunaunahang Bangsamoro Parlimentary na  halalan sa Oktubre.

Nagbukas ang forum sa isang welcome remarks ni Sam Chittick, Country Representative ng TAF, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagtutulungan, pagbabahagi ng impormasyon, at pagsuri sa proseso habang papalapit ang pagtatapos ng kasalukuyang yugto ng programa. Ayon kay Chittick, ang pagpapaliban ng halalan ay nagbigay ng pagkakataon na bigyang-pansin ang transisyong demokratiko ng Bangsamoro.

“The October election is an opportunity to tell the story of the Bangsamoro parliamentary system to the nation with undivided attention. This is a chance for us to ensure that the electorate is well-informed and engaged in the democratic process,” aniya.

Ipinahayag ni Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, Floor Leader ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament, ang kanyang pasasalamat sa TAF at sa mga katuwang nito para sa kanilang dedikasyon sa edukasyong pampulitika at pakikilahok ng mamamayan.,”Elections are not just about selecting leaders; they are about building accountability and strengthening democracy.”
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng isang edukado at responsableng electorate sa pagtatagumpay ng pamahalaang Bangsamoro.

Samantala, tiniyak naman ni Andrew Bowes, Political Counsellor ng British Embassy-Manila, ang patuloy na suporta ng UK Government sa mga inisyatiba para sa kapayapaan at pamamahala sa BARMM. “Peace in the Bangsamoro must be built on inclusivity, justice, and trust. We are committed to supporting civic engagement and voter education, ensuring that democracy works for everyone, especially marginalized communities,” pahayag ni Bowes.

Naging tampok sa forum ang malalimang talakayan sa iba’t ibang aspekto ng integridad ng halalan, pamamahala, at seguridad. Ilan sa mga mahahalagang presentasyon ay ang Project Timeline and History na pinangunahan ni Noraida S. Chio, Senior Program Officer of TAF, Activate Bangsamoro at ang By the Numbers na ibinahagi ni Josephine Teves, Ph.D., ang MEL Consultant ng proyekto.

Kabilang din sa nasabing forum ang Bangsamoro Government Updates, Priorities, and Opportunities for CSO Partnerships, na pinangunahan ng mga kinatawan ng BTA Parliament na sina Amirah B. Macacua, Legislative Affairs Chief, Office of the Parliament Speaker, Atty. Mehrab U. Bahri, Chief of Staff of Office of the Floor Leader, Salahuddin Abdelgafur, Legislative Staff Officer IV, Office of Secretary General.

Mula naman sa kinatawan ng BARMM Agencies na sina Nasrodeyn Matapis, Development Management Officer III ng MPOS-BARMM. Engr. Abdulgani Manalocon, Head of Office/Director II ng LTAIS, at Ameen Andrew Alonto, Executive Director ng BIO, at si Atty. Allan C. Kadon, Provincial Supervisor ng REDO COMELEC, BARMM.

Nagkaroon din ng iba’t ibang workshop ang mga CSO Implementing Partners na tumutok sa mga nagawa, resulta, at kwento ng tagumpay. Sinundan ito ng isang plenary session kung saan ibinahagi ng mga CSO implementing partners ang kanilang mga kwento ng pagbabago sa komunidad.

Tinalakay din ng mga CSO implementing partners ang mga hamon sa demokratikong pakikilahok at mga estratehiya upang mapagtagumpayan ang mga ito. Sa papalapit na halalan, binigyang-pansin ang mga usapin sa seguridad at disimpormasyon bilang mga pangunahing suliraning kailangang tugunan.

Ipinakita rin sa forum ang isang video presentation na Story of Change kung saan ito ay nagpakita ng magandang resulta sa grassroots initiatives sa pagpapataas ng kamalayan at pakikilahok ng mamamayan sa paparating na eleksyon sa Bangsamoro.

Bilang bahagi ng programa, kinilala din ng TAF at UK Government ang kontribusyon at kahusayan ng BMN sa hindi mapapantayang suporta nito sa pagsulong ng aktibong mamamayan para sa  Bangsamoro Combatants sa anim (6) na  Major MILF Camps sa Bangsamoro region sa pag-implementa nito sa voters’ community roll-out para sa  Activate Bangsamoro Project.

Ang Token of Gratitude na ibinigay ng TAF at UK Government na nilagdaan ni Sam Chittick ang Country Representative ng The Asia Foundation.

Sa pagtatapos ng forum, nagbigay ng pasasalamat si Chio, sa lahat ng katuwang, ahensya, at indibidwal na naging bahagi ng nasabing kaganapan. Ipinahayag din niya ang kanyang pag-asa para sa mas marami pang proyektong pang-demokrasya at patuloy na pagtutulungan sa pagpapatibay ng mga institusyong pampamahalaan sa Bangsamoro.

“This is not the end, but the beginning of more opportunities to work together. Let us remain committed to our shared vision of a peaceful and progressive Bangsamoro.”

Ang Activate Bangsamoro Partners Forum at Outcome Harvesting ay naging isang mahalagang plataporma para sa makahulugang dayalogo, na nagpapatibay sa sama-samang pangako para sa demokratikong pamamahala at pagpapalakas ng mga komunidad sa Bangsamoro. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 28 Iskolars, Masayang Nagtapos sa Graduation Ceremony ng MBHTE-TESD sa Cotabato City
Next post MENRE Lumahok sa Summit para sa Ligtas at Matatag na Transportasyong Pandagat sa BARMM