MENRE Lumahok sa Summit para sa Ligtas at Matatag na Transportasyong Pandagat sa BARMM

(Litrato mula sa MENRE-BERDS)

COTABATO CITY (Ika-19 Ng Pebrero, 2025) — Lumahok ang Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE) sa apat na araw na BARMM Maritime Transportation Summit na isinagawa ng Ministry of Transportation and Communications (MOTC) noong ika-10 hanggang ika-13 ng Pebrero sa Zamboanga City.

May temang “Ensuring Safe and Sustainable Maritime Transportation in BARMM” layunin ng summit na palakasin ang ugnayan ng mga pambansa at panrehiyong ahensya ng gobyerno, hikayatin ang pamumuhunan sa imprastraktura at teknolohiya sa sektor ng maritime, at paghusayin ang pakikipagtulungan sa iba’t- ibang stakeholder.

Sa mensaheng ipinaabot ni Engr. Samer Macalilay, Senior Science Research Specialist ng Mines and Geosciences Services (MGS) ng MENRE, sinabi ni Minister Akmad A. Brahim na mahalagang tiyakin ang kaligtasan sa dagat kasabay ng pagsasama ng mga makakalikasang gawain. Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ay ang pagpapalakas ng seguridad, pagsusulong ng pangangalaga sa kapaligiran, pagpapahusay ng imprastraktura ng maritime, at pamumuhunan sa pagsasanay ng mga manggagawa sa sektor na ito.

Isa sa mga tampok na paksa sa summit ay ang kasalukuyang estado ng seguridad sa dagat sa BARMM. Ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang mga inisyatiba upang mapabuti ang kaligtasan at pangangalaga sa kapaligiran sa rehiyon.

Dumalo rin sa summit ang iba pang kinatawan ng MENRE, kabilang sina Protected Area Management Division Chief Joeffry L. Kamid, Engr. Samer Macalilay, mga representante mula sa Provincial ENRE Office ng Tawi-Tawi at Sulu, pati na rin ang iba pang opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post The Asia Foundation nagsagawa ng Forum at Outcome Harvesting sa Proyektong Activate Bangsamoro
Next post MOST-BARMM Nagsagawa ng Pagsusuri at On-Site Monitoring sa Apat na Proyekto ng Pananaliksik ng MSU-Marawi