28 Iskolars, Masayang Nagtapos sa Graduation Ceremony ng MBHTE-TESD sa Cotabato City

(Litrato mula sa MBHTE-TESD BARMM)

COTABATO CITY (Ika-19 ng Pebrero, 2025) — Isang matagumpay at makabuluhang Graduation Ceremony at Releasing of Training Support Fund ang isinagawa ng MBHTE-TESD BARMM Cotabato City District Office sa ISI Coland Systems of Technology, Inc., Brgy. RH 3, Cotabato City noong ika-12 Ng Pebrero.

Dalawampu’t walong (28) iskolars ang masayang nagtapos mula sa dalawang teknikal na institusyon: Dr. P. Ocampo College, Inc. para sa kursong Bread and Pastry NC II (11 graduates) at ISI Coland Systems of Technology, Inc. para sa kursong Electrical Installation and Maintenance NC II (17 graduates).  

Ang inisyatibong ito ay mula sa suporta nina MP Susana Ayanatin at  MP Atty. Sha Elaijah Dumama-Alba, gamit ang pondong nagmula sa kanilang Transitional Development Impact Fund (TDIF). Sa kanilang mensahe, binigyang-diin nila ang layunin ng programa—ang pagbibigay ng oportunidad sa mga walang trabaho sa pamamagitan ng skills training upang magamit nila sa paghahanap ng hanapbuhay o pagsisimula ng sariling negosyo.  

Pinangunahan ni District Head Engr. Rasul K. Datukali ang programa, kung saan ipinamahagi rin ang mga sertipiko at training support fund sa tulong ng MBHTE-TESD District Office at ilang technical vocational institutions. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MOH Nagsagawa ng Libreng Eye Screening sa Ika-50 Anibersaryo ng 6ID CSSH
Next post The Asia Foundation nagsagawa ng Forum at Outcome Harvesting sa Proyektong Activate Bangsamoro