MOH Nagsagawa ng Libreng Eye Screening sa Ika-50 Anibersaryo ng 6ID CSSH

(Litrato mula sa MOH-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-18 Ng Pebrero, 2025) — Halos nasa 400 katao ang nakinabang sa libreng eye screening, pamamahagi ng salamin sa mata, pagsusuri sa iba pang kondisyon na nangangailangan ng operasyon, at pagbabakuna na isinagawa ng Ministry of Health (MOH) at ng Tanggapan ng Miyembro ng Parlamento, Dr. Kadil “Jojo” M. Sinolinding, Jr. sa pagdiriwang ng ika-50 gintong anibersaryo ng 6th ID Camp Siongco Station Hospital (CSSH) sa Camp Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ang MOH Assistant Blindness Program Coordinator na si Ms. Jelyn Remotin Alegata, RM, kasama ang kanyang grupo, ay nakiisa sa makabuluhang pagdiriwang. Ayon sa kanya, mayroong 120 benepisyaryo para sa eye screening, 90 katao ang nabigyan ng libreng salamin sa mata, at 13 naman ang nakatakdang sumailalim sa operasyon para sa katarata at pterygium.

Ayon kay 1LT Hannah Valdez, Chief Hospital Operations ng 6ID CSSH, naging matagumpay ang pagdiriwang lalo na sa pakikilahok ng MOH. “Dinumug, pinagkaguluhan ang mga services kanina. Masaya kami dahil marami ang natulungan.”

Dagdag pa ni Valdez, halos 200 katao ang nakinabang sa libreng bakuna laban sa pulmonya, HPV, at trangkaso. Ang mga benepisyaryo ng mga serbisyong ito ay kinabibilangan ng mga sundalo, kanilang pamilya, at mga residente mula sa mga kalapit na komunidad ng 6ID CSSH.

Samantala, ipinahayag ni 6ID CSSH Commanding Officer LTC Jeramie Villamor ang kanyang pasasalamat sa MOH sa naging matagumpay na pagdiriwang ng kanilang ika-50 anibersaryo, “The 50th Anniversary was indeed a success, and it would not be as impactful and purposive without the unwavering support of our partners from the health sector, most specially the MOH through the proactive support of Dr. Sinolinding of the services he gave. Our health promotion and services for the soldiers was indeed successful. Thank you so much MOH.”

Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Dr. Sinolinding ang patuloy na pakikiisa ng MOH sa iba’t ibang ahensya, kabilang na ang sektor ng seguridad tulad ng Philippine Army. “We are committed to strengthen our partnership with our partner agencies including the security sector- the Philippine Army. We extend our deepest appreciation to the officers, the men and women of 6ID CSSH for their selfless service to our soldiers 24/7, with MOH standing behind the scene.” (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Magungaya Sa Langgapan Farmers and Fisherfolks Marketing Cooperative, Pinag-aaralan ang Mahusay na Proseso sa Paggawa ng Produktong Niyog
Next post 28 Iskolars, Masayang Nagtapos sa Graduation Ceremony ng MBHTE-TESD sa Cotabato City