Bangsamoro Parliament, Ipinasa ang Resolusyon para Palawakin ang Scholarship Awareness at Palakasin ang Seguridad sa BARMM

(Litrato mula sa BTA-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-14 Ng Pebrero, 2025) — Ipinasa ng Bangsamoro Parliament ang dalawang resolusyon na naglalayong paigtingin ang edukasyon at seguridad sa rehiyon. Sa isa sa mga resolusyon, hiniling ng mga mambabatas na utusan ang Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) na ipaskil sa lahat ng paaralan ang ukol sa government-funded education scholarships sa mga lugar na madaling makita.

Ipinaliwanag ni Committee on Basic, Higher, and Technical Education Chair Eddie Alih na mas madali anyang makita at malaman ito ng nais makapag apply ng scholarship lalot higit sa liblib na lugar, “This will help make scholarship opportunities more accessible, especially in remote areas where internet access is limited.”

Samantala, tinawag din ng mga mambabatas ang pamahalaan at ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) Peace Implementing Panel na pabilisin ang deployment ng Joint Peace and Security Team (JPST) sa mga lugar na apektado ng kaguluhan.

Ipinunto ni Public Order and Safety Committee Chair Mohammad Kelie Antao ang kahalagahan ng mas matibay na presensya sa seguridad, “Public Order and Safety Committee Chair Mohammad Kelie Antao highlighted the urgency of establishing a stronger security presence to prevent crime and maintain stability in the region.”

Samantala, magpapatuloy ang sesyon ng Bangsamoro Parliament sa darating na ika-17 ng Pebrero. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MP Antao, Dumalo sa Makasaysayang 3rd General Assembly ng UBJP Malidegao
Next post MSSD , Nagsagawa ng Pagdiriwang para sa Pre-Women’s Month at Ramadan sa Languyan, Tawi-Tawi