![](https://bangsamorotoday.com/wp-content/uploads/2025/02/IMG_1022.jpeg)
MHSD Ipinakita ang mga Aktibidad at Proyekto sa taong 2024 at para sa taong 2025
![](https://bangsamorotoday.com/wp-content/uploads/2025/02/IMG_1023-1024x682.jpeg)
COTABATO CITY (Ika-13 ng Pebrero, 2025) —Isinagawa ng Ministry of Human Settlements and Development (MHSD), ang pabahay ng Bangsamoro, ang isang assessment para mga naisakatuparang proyekto at aktibidad noong 2024. Kasabay nito, inilatag din ang mga plano para sa 2025 batay sa Work and Financial Plan ng ahensya. Ang aktibidad ay ginanap sa Multipurpose Hall ng Bihing Tahik Resort noong ika-6 ng Pebrero.
Nahati sa dalawang bahagi ang programa, ang assessment ng nagdaang taon at ang pagpaplano ng mga susunod na hakbang.
Sa unang programa, pinag-usapan ang mga itinakdang target at natapos na gawain noong 2024 sa pamamagitan ng presentasyon ni Sarah M. Abolhusain, Planning Officer I. Pinalalim pa ito nina Engr. Zainodin A. Buisan, Chief ng Planning and Design Division, at Nasibah S. Pangca, Chief ng Administrative and Finance Division.
Iniilahad din nina Chief Pangca at PO Abolhusain ang Work and Financial Plan para sa 2025, batay sa pondo mula sa General Appropriations Act for the Bangsamoro (GAAB).
Samantala, si Yasser S. Mama, Chief ng Monitoring and Evaluation Division, ang nagpakita ng Monitoring and Evaluation Assessment Report. Ipinakita ang kabuuang mga nakamit at hamong kinaharap sa masusing pagsubaybay sa mga proyektong ipinatupad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon.
Sa bahagi ng action planning, ibinahagi ang mga hamong naranasan, kung paano ito nalampasan, at mga mabubuting kaugalian sa pagsunod sa mga administratibong proseso. Itinala rin ang mga paraan upang tugunan ang mga problema at aayusin sa mga susunod na araw. At pormal na binuksan ni Deputy Minister Aldin H. Asiri ang Year-End Assessment para sa 2024. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday