
CCSTC Nagsagawa ng Pag-aanunsyo ng BASE at BASE-Merit Scholarship sa Lungsod ng Cotabato

COTABATO CITY (Ika-11 ng Pebrero, 2025)—Isinagawa ng Cotabato City Science and Technology Center (CCSTC) ang malawakang promosyon ng Bangsamoro Assistance for Science Education (BASE) at BASE-Merit Scholarship Programs sa mga mag-aaral ng senior high school ang pagbubukas ng aplikasyon para sa scholarship ng MOST sa 2025, noong ika-3 hanggang ika-6 ng Pebrero.
Pinangunahan nina CCSTC Head Norhaya Sumaluyan, RN, Senior Science Research Specialist, kasama sina Yzel Andrew Aron, RN, SRS II, Monisa Ali, at Rahib Puas, ang pagbibigay ng impormasyon sa iba’t ibang paaralan ng senior high school sa lungsod.
Layunin ng aktibidad na ito na bigyang-linaw sa mga guro at mag-aaral ang mga scholarship program ng ministry at hikayatin ang mga incoming first-year college students na kumuha ng mga kursong may kaugnayan sa Science at Technology (S&T). Sa pamamagitan nito, inaasahang mas maraming kabataang Bangsamoro ang magiging bahagi ng pagpapalakas ng Science, Technology, at inobasyon sa rehiyon.
Tiniyak ng mga opisyal ng CCSTC ang mas malawak na pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa scholarship upang mas maraming estudyante, lalo na ang mga may problema sa pinansyal, at magkaroon ng pagkakataong makapagpatuloy sa mas mataas na edukasyon.
Ipinaliwanag din nila ang proseso ng aplikasyon, namahagi ng application forms, at binigyan ng deadline ng pagsusumite pati na rin ang mga kailangang requirements.
Samantala, nagsagawa rin ng kahalintulad na mga aktibidad ang iba pang MOST Provincial Centers upang maabot at maipaalam sa mas maraming mag-aaral sa buong rehiyon ang tungkol sa mga scholarship program. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday