50 Paaralan sa Bangsamoro, Sinuri ng MOST para sa STARBOOKS Digital Library

(Litrato mula sa MOST-BARMM FB Page)

COTABATO CITY (Ika-8 ng Pebrero, 2025) — Sinuri ng Ministry of Science and Technology (MOST) ang 50 paaralan sa rehiyon mula ika-6 ng hanggang ika-31ng Enero, bilang bahagi ng pagpili ng mga posibleng benepisyaryo ng Science and Technology Academic and Research-Based Openly-Operated Kiosks (STARBOOKS), isang digital na aklatang Science and Technology

Layunin ng pagsusuri na matukoy kung handa ang mga paaralan na tumanggap at mapanatili ang proyektong ito. Kabilang sa mga isinasaalang-alang na kwalipikasyon ay ang pagkakaroon ng ICT personnel para sa minor troubleshooting, matatag na kuryente at internet para sa pag-update ng datos, isang nakalaang silid-aklatan para sa kiosk, at mga guro sa science na magsisilbing tagapangasiwa ng proyekto.

Ang mga paaralang pumasa sa pagsusuri ay maaaring mapili bilang benepisyaryo ng STARBOOKS, habang ang mga hindi nakatugon sa mga pamantayan ay hinikayat na kumpletuhin ang mga kinakailangan upang maging kwalipikado sa susunod.

Ang STARBOOKS ay isang proyekto ng Department of Science and Technology (DOST) sa ilalim ng Science Education Institute, na ipinatutupad din ng MOST upang bigyan ng akses ang mga paaralan sa digital na impormasyon sa science at teknolohiya, kahit walang koneksyon sa internet.

Ang pagsusuring ito ay kasunod ng Capacity Needs Assessment (CNA) na isinagawa ng mga kinatawan ng MOST sa iba’t ibang lalawigan upang matukoy ang mga paaralang nangangailangan ng teknolohikal na suporta. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Chief Minister Ebrahim, Mambabatas ng BARMM, Pinag-usapan ang mga Prayoridad na Batas bago ang Halalan sa 2025
Next post MOH-BARMM at Pfizer, Nagkaisa sa Kasunduan at 30,000 Meal Packages para sa mga Bangsamoro