UNYPAD NCR, Nagsagawa ng Seminar-Workshop sa Taguig City

(Litrato mula kay Abuamna Sandangan)

COTABATO CITY (Ika-1 ng Pebrero, 2025) — Matagumpay na isinagawa ng United Youth for Peace and Development (UNYPAD) – National Capital Region (NCR) Chapter ang tatlong araw na seminar-workshop noong ika-25 hanggang ika-27 ng Enero sa iba’t ibang chapter nito sa Taguig City, partikular sa Barangay Maharlika, Napindan, at Dream Land.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga lider ng UNYPAD NCR, kabilang sina Kamim Makmod, Ustadh Maula Lumimbang, Engr. Mujahed Adam, Eric Mohannad, Umuhanie Mabandes, at Nasrudin Mabandes.

Sa loob ng tatlong araw, tinalakay ang mahahalagang paksa gaya ng kasaysayan ng Bangsamoro, Islamic Time Management, at Handling and Procedure of Meeting na ibinahagi ng UNYPAD Secretary General Ustadh Yusoph Lumambas.

Nagpasalamat ang regional coordinator na si Makmod sa UNYPAD national chapter sa pagtugon sa kanilang imbitasyon upang maisakatuparan ang programa.

Kasunod ng seminar-workshop, nagkaroon din ng pulong at pagpaplano para sa mga susunod na programang gagawin ng organisasyon. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Karapatang Pantao tampok sa BHRC, TAF Meeting