Gob Sam, MP Jamel Macacua, Nagbigay ng Tulong sa mga Pamilyang Nasunugan sa Cotabato City

(Litrato Mula sa Provincial Government of Maguindanao Del Norte)

COTABATO CITY (Ika-31 ng Enero, 2025) — Bilang tugon sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog noong ika-24 ng Enero sa Poblacion 7, Cotabato City, personal na nagpaabot ng tulong si Gobernador Abdulraof “Gob Sam” Macacua at BARMM Member of the Parliament Jamel Macacua.

Namahagi sila ng 450 sako ng bigas at 400 hygiene kits upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga nasunugan. Ang nasabing inisyatiba ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng pamahalaang Bangsamoro na magbigay ng suporta at serbisyo sa mamamayan, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Patuloy ang pangako ni Gob Sam at MP Macacua na palakasin ang kanilang programa para sa kapakanan ng mga Bangsamoro, lalo na sa panahon ng sakuna. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Pangulong Marcos nais na gawin ang Unang Halalan sa BARMM sa Oktubre 2025