AB4 Project Implementing Partners Quarterly Meeting, Isinagawa sa Davao City

(Litrato kuha ng BMN/BangsamoroToday)

DAVAO CITY (Ika-19 ng Disyembre, 2024) – Matagumpay na naisagawa ng The Asia Foundation (TAF) ang dalawang araw na Activate Bangsamoro Phase 4 (AB4) Project Partners Quarterly Meeting nitong Disyembre 17-18, 2024, sa Seda Abreeza Hotel. Ang aktibidad ay layuning mapalalim ang kooperasyon at masigurong epektibo ang implementasyon ng mga proyektong kaugnay ng AB4 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Dinaluhan ang pagtitipon ng mga kinatawan nito mula sa iba’t ibang civil society organizations (CSOs) at ahensya ng Bangsamoro Transition Authority (BTA), kabilang ang Office of the Parliament Speaker, Office of the BTA Floor Leader, Bangsamoro Information Office (BIO), Comelec BARMM (REDO), Legislative and Technical Affairs and Information Services (LTAIS) at Office of the Secretary General.

Kabilang sa aktibidad ang pagpapalalim ng pag-unawa sa kasalukuyang konteksto ng BARMM, partikular sa tungkulin ng BTA Parliament at ang nalalapit na national at lokal na eleksyon. Pagsusuri sa epekto ng mga voter education rollout activities ng mga implementing partners. Pagtalakay sa monitoring, evaluation, at learning (MEL) framework para sa natitirang mga proyekto at pagbuo ng mas epektibong kolaborasyon sa pagitan ng mga CSO partners at BARMM agencies.

Sa unang araw ng aktibidad ibinahagi ng mga AB4 implementing partners ang kanilang mga nagawang aktibidad at naging resulta nito.

Kasama sa mga nagbahagi ang Probe Media Foundation Inc. (PMFI), Legal Network for Truthful Elections (LeNTE), Hirayang Kabataan (Hiraya), Tiyakap Kalilintad, United Youth for Peace and Development (UNYPAD) Inc., Maguindanaon Development Foundation, Inc. (MDFI), United Voices for Peace Network (UVPN), Bangsamoro Multimedia Network (BMN) Inc., at Mindanao Organization for Social and Economic Progress (MOSEP) Inc.

Sa ikalawang araw naman ay nagkaroon ng update sa pamamagitan ng Kumustahan with the Bangsamoro Government na mula sa mga Bangsamoro regional partners, kabilang sina Amirah B. Macacua Chief Legislative Affairs Speaker, BARMM, Atty. Al-Rashid Balt Director General, MPOS-BARMM, Engr. Abdulgani Manalocon Head of Office, LTAIS, at Abdullah Matucan, BIO-BARMM, Mehrab Bahri, ang representante ni Atty. Sha Elijah Alba ng MILG.

Ibinahagi rin ni Adrian Ocay Subawards and Audit Officer, TAF at Ginamay Awakan Senior Program Finance and Budget Officer, TAF ang mga alituntunin sa financial reporting, habang tinalakay ni Dr. Jo Teves, ang MEL Consultant, ang AB4 MEL Framework upang suriin ang mga impact at outcome level ng proyekto.

Sinimulan ni Misuari “Jake” Abdullah, Program Officer ng TAF, ang diskusyon sa mga estratehiya upang masiguro ang aktibong partisipasyon ng mga mamamayan sa Bangsamoro. Naging aktibo naman ang mga implementing partners sa paggawa ng mga ito sa kanilang mga community rollout.

Sa pagtatapos ng aktibidad ay nagbigay ng pasasalamat at patuloy na pag suporta sa mga implementing partners si Noraida Chio, PhD., Senior Program Officer ng TAF, “On behalf of TAF, we would like to thank everyone… ways forward sa susunod na activity, we will look into possibilities in supporting…”

Ang pagpupulong ay nagsilbing mahalagang hakbang tungo sa patuloy na pagpapatibay ng mas malalim na pag-unawa sa mga tungkulin, obligasyon ng bawat implementing partners sa proyektong AB4 na sinusuportahan ng UK Government and British Embassy Manila tungo sa maayos na halalan sa May 2025 sa Bangsamoro at ibat-ibang panig ng bansa. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MBHTE builds a covered court and Peace Center Building in Cotabato City