MILF PIP Chair Iqbal at Senator Padilla, Pinangunahan ang Consultative Meeting sa Senado

(Litrato mula kay Juckra Abdulmalik)

COTABATO CITY (Ika-11 ng Disyembre, 2024) — Lumahok ang mga miyembro ng Bangsamoro Parliament sa Consultative Meeting na isinagawa ng Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs sa Senado ng Pilipinas noong Martes.

Ang pulong ay pinangunahan ni Senator Robin Padilla at dinaluhan ng mga opisyal mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kabilang ang peace icon na si Mohagher M. Iqbal kasama sina MP Baileng Mantawil, MP Aida Silongan, MP Atty. Mary Ann Arnado, MP Atty. Raissa Jajurie, MP Lai Dumama-Alba, MP Eddie Alih, MP Ebrahim Ali, MP Lanang Ali, Jr., MP Eatino Mararul, at mga miyembro ng MILF Peace Mechanism na ginanap sa Senator Tolentino Room, 2nd Floor, Senate of the Philippines, Lungsod ng Pasay.

Si Sen. Padilla ay sabik din na matuto nang higit pa tungkol sa kasaysayan ng pakikibaka ng Bangsamoro.

Sa consultative meeting, tinalakay ng mga kinatawan ng BARMM mula sa MILF Technical Working Group (MILF-TWG) on Amnesty ang status ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) applications for amnesty.

Iniharap din nila ang binagong Integrated socioeconomic development Framework para sa Decommissioned Combatants at ang anim na kinikilalang MILF Camps.

Sinabi ni Juckra Abdulmalik, isa sa mga delagado mula sa BARMM ay inihayag ang kagalakan na napakaswerte din nila na nasa huling bahagi ng consultative meeting si Sen. Bato dela Rosa.

Binigyang-diin ng Consultative meeting ang mga isyu at alalahanin ng Bangsamoro Region na ipinapahayag ng mga opisyal ng BARMM. Dahil dito, nangako si Senador Robin Padilla na patuloy na tutulong sa pag-unlad ng mga Bangsamoro, at binigyang-diin din niya ang kanyang mga kapwa senador na may parehong layunin para sa patuloy na pag-unlad sa rehiyon ng BARMM. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post P94.411 bilyon na pondo ng BARMM aprubado na sa third and final reading ng Bangsamoro Parliament
Next post SGA LGUs Lumahok sa Voter’s Education cum Bangsamoro Peace Process Update ng BMN