
Programa at Tagumpay ng OOBC, Tinalakay sa Episode 6 ng “Bangsamoro Ka, Saan Ka Man” Talk Show Program

COTABATO CITY (Ika-29 ng Nobyembre, 2024) — Sa isinagawang episode 6 ng “BANGSAMORO KA, SAAN KA MAN” Talk Show Program ng Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) katuwang ang Bangsamoro Multimedia Network (BMN) Inc., ay tinalakay ang mga mahahalagang programa at tagumpay ng tanggapan sa pagtulong sa mga Bangsamoro na nasa labas ng rehiyon. Ang programa ay isinagawa noong Nobyembre 28, 2024.
Sa nasabing programa, inilahad ni Rusman Musa, Development Management Officer III ng OOBC, ang mga pinakahuling hakbang at tagumpay ng tanggapan upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga komunidad ng Bangsamoro sa mga lugar na hindi sakop ng BARMM.
Isa sa mga katanungan ay ang mga pangunahing accomplishments ng OOBC ngayong taon. Ayon kay Musa, ang tanggapan ay nakapagtapos ng mga mahahalagang proyekto tulad ng Strategic Planning Enhancement na nakatulong sa pagpaplano ng mga susunod na hakbang ng tanggapan.
“Una po ditong natapos natin is nagkakaroon na po tayo ng dito ng Strategic Planning Enhancement, natapos na po natin yan which is nagtarget po tayo ng at least one (1) or isang beses po ngayong 2024,” ani Musa.
Binanggit din ni Musa ang pagsasagawa ng ‘Manual of Operation Workshop’ na isang kritikal na hakbang upang matiyak ang maayos at organisadong pagpapatakbo ng tanggapan.
“Natapos na rin po natin yung Manual of Operation Workshop which is yun po yung very important sa isang opisina na magkaroon ng manual of operation kasi yun po yung magiging guide don sa pagpapatakbo ng opisina,” pahayag nito.
“Aside from that nagkaroon din po tayo ng Series of Consultation Meeting, in fairness po ito yung very popular na operation ni OOBC, prior on that magka-conduct po tayo ng Pre-OBC meeting sa ating mga stakeholders, ang pagkakaroon ng Manual of Operation ay napakahalaga dahil nagsisilbing gabay ito sa bawat operasyon ng opisina,” dagdag nito.
Tinutukan din ng programa ang kahalagahan ng tamang impormasyon upang matugunan ang pangangailangan ng mga komunidad. Ibinahagi ni Musa kung paano ginagamit ng OOBC ang kanilang MANA tool o Mapping and Needs Assessment upang mangalap ng konkretong datos mula sa mga komunidad.
Ayon kay Musa, “Actually ang OOBC MANA o ang tinatawag nating Mapping and its Assessment, isa po syang tools, sa pamamagitan ng OOBC MANA nakakakuha tayo ng konkretong impormasyon maging ito man ay tungkol sa kanilang economic, cultural at saka social issues kung meron silang mga ganon or needs ng isang community, particularly ang mga kapatid natin na nasa labas ng territory.”
“Sa pamamagitan po ng magiging impact nya meron na tayong mapping and assessment. Unang-una yun yung magiging basis natin to recommend a certain policy or program ang activities sa Office of the Chief Minister. Kasi nalalaman po natin kung ano ba yung pangangailangan nila basi doon sa ating OOBC MANA na gi’ conduct,” pagsasalaysay ni Musa.
Dagdag pa nito, “So with that kung aaprubahan po ng OCM yung ating recommendations na PAPs or yung program activities, makikita natin ang impact or outcome nito after implementing of the project. Magkakaroon po tayo ng monitoring evaluation kung ano na ba ang nangyayari don sa buhay or kalagayan or yung issue na gusto nating ma settle outside the Bangsamoro, kung magkakaroon ba sya ng progress, kung walang progress pag-aaralan natin sa assessment kung ano yung reason bakit hindi natin na-achieve yung target natin na dapat ma-achieve sana natin.”
Ipinunto rin nito na ang OOBC ay hindi direktang nag-iimplementa ng mga proyekto kundi isang coordinating office na nagsisilbing tulay upang makarating ang mga programa at serbisyo mula sa BARMM sa mga Bangsamoro sa labas ng rehiyon.
Sa pagtatapos ng talakayan, nagpasalamat ang BMN at OOBC sa kanilang host na si Datumin M. Eskak sa mahusay na pagpapadaloy ng programa.
Ang buong talakayan ay maaaring mapanood sa BMN, OOBC, at Kaunlaran sa Bangsamoro Facebook page, na kung saan nagbibigay ng mahalagang impormasyon hinggil sa mga hakbang at tagumpay ng OOBC sa pagtulong sa mga Bangsamorong nasa labas ng BARMM. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)