P106 Milyon, Inaprubahan para sa Bangsamoro Youth Commission sa 2025

(Litrato mula sa BTA-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-21 ng Nobyembre, 2024) — Inaprubahan ng Finance, Budget, and Management Committee ng Bangsamoro Parliament ang PhP106 milyong budget para sa Bangsamoro Youth Commission (BYC) para sa fiscal year 2025.  

Ang pondong ito ay nakatuon sa pagsuporta sa iba’t ibang programa at aktibidad na naglalayong palakasin ang kakayahan ng kabataang Bangsamoro sa rehiyon ng BARMM.  

Sa ibibigay na ito ng Bagnsamoro government na pondo, mapapalakas ng BYC ang kanilang adbokasiya para sa youth empowerment sa pamamagitan ng mas aktibong partisipasyon ng kabataan sa pagpapaunlad ng komunidad at mga covo activity.  

Ayon sa LTAIS-Public Information, Publication, and Media Relations Division, Kabilang sa mga proyekto at insentibo na sakop ng budget ay ang stakeholder at partnership building, mga programa para sa pampublikong pakikipag-ugnayan, at ang Bangsamoro Youth, Peace, and Security Program.  

Ang mga programang ito ay naglalayong palakasin ang papel ng kabataan sa pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, at masiglang kaunlaran sa rehiyon. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Project TABANG Nagbigay ng Ayuda sa Mga Markadz at Orphanages sa Cotabato City
Next post MSSD, Binigyan ng mga Kagamitang Pangkabuhayan ang Pamilya sa Nabalawag, SGA na Apektado ng Bagyo