Project TABANG Nagbigay ng Ayuda sa Mga Markadz at Orphanages sa Cotabato City

(Litrato mula sa Project TABANG)

COTABATO CITY (Ika-20 ng Nobyembre, 2024) — Sa patuloy na pagsusumikap ng Project TABANG para sa kapakanan ng mga mamamayang Bangsamoro, namahagi ito ng kabuuang 37 sako ng bigas (25 kg bawat isa) at food packs sa iba’t ibang markadz sa lungsod noong ika-19 ng Nobyembre.

Ang mga food packs ay naglalaman ng limang kahon ng de-latang pagkain, sampung kahon ng noodles, limang kahon ng powdered milk, at limang galon ng mantika.

Ayon sa Project TABANG, bahagi ang pamamahaging ito ng Humanitarian for Orphanages, Markadz, Elderlies, and with Special Needs (HOMES) Program sa ilalim ng tanggapan ni Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim. Layunin ng HOMES na tugunan ang pangangailangan ng mga orphanage, markadz, at mga sektor na nangangailangan ng espesyal na atensyon sa rehiyon ng Bangsamoro.

Masayang tinanggap ng isang batang ulila ang mga ibinigay na suporta ng Project TABANG. (Litrato mula sa Project TABANG))

Kabilang sa mga markadz na nakatanggap ng HOMES assistance ay ang mga sumusunod: Orphanages IHH Girls sa Kakar, Orphanages IHH Girls sa Tamontaka 1, Markadz Bangsamoro, Markadz Al Imam Bukhari, Markadz Darul Hikmah

Ang hakbang na ito ay nagpapakita ng malasakit ng Project TABANG at ng Bangsamoro Government sa mga kabataang ulila, matatanda, at mga komunidad na may espesyal na pangangailangan. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post SUBATRA Program Nagbigay-Suporta sa Pagpapatatag ng Internal Audit Office ng BARMM
Next post P106 Milyon, Inaprubahan para sa Bangsamoro Youth Commission sa 2025