Kooperatiba sa Maguindanao, Nagtitinda ng Bigas sa Halagang P39 Kada Kilo para sa mga Magsasaka
COTABATO CITY (Ika-19 ng Nobyembre, 2024)— Nagbebenta ng bigas sa abot-kayang halagang PhP39.00 kada kilo ang isang kooperatiba ng mga magsasaka sa ilalim ng proyekto ng Bigasang Bangsamorong Magsasaka (BBM) Rice sa halagang PhP975.00 bawat sako na may timbang na 25 kilo, na tiyak na nakakatulong sa mga magsasakang miyembro ng kooperatiba na makakuha ng murang bigas.
Ang Upian Agri Pinoy Farmers Producer Cooperative (FPC) ang kasalukuyang nagbebenta ng bigas sa presyong ito para sa mga miyembro at mga ka-partner nito.
Ayon kay Jonathan B. Acopio, Presidente ng Upian Agri Pinoy FPC, layunin ng kanilang inisyatiba na suportahan ang BBM Rice Project na pinasimulan ni Pangulong Ferdinand “bongbong” Marcos Jr. at layuning itaas ang presyo ng palay para sa mga magsasaka at gawing abot-kaya ang bigas sa komunidad.
“We sell rice at an affordable PhP975.00 per sack (25 kls) here at our cooperative warehouse in Brgy. Borongotan. The cooperative has prepared a thousand bags specifically for this effort,” ayon kay Acopio.
Ang BBM Rice Project ay naglalayong bumili ng palay sa mas mataas na halaga mula sa mga kasaping magsasaka at magbenta ng murang bigas mula sa kanilang sariwang ani.
Sinimulan ito ng Al-Rahman Multi-Purpose Cooperative sa Manongkaling, Mamasapano, Maguindanao del Sur sa tulong ng 33rd Infantry Battalion, 6th Civil Military Operations Battalion, 601st Infantry Brigade ng 6th Infantry Division, tanggapan ni MP Suharto “Teng” Ambolodto, at 62nd Naval Group Reserve ng Naval Forces Reserve Western Mindanao.
Bilang inspirasyon mula sa “Palay presyo tinaas, Bigas presyo binaba” ng Al-Rahman, sumali ang Upian Agri Pinoy FPC sa inisyatiba, kasama ang dalawa pang kooperatiba: Al-Khalid Farmers Cooperative sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao del Sur, at Tapayan-Tuka Irrigators Cooperative sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)