174 na Trainee, Nagtapos sa Special Training for Employment Program sa Lanao del Sur

(Litrato Mula sa MBHTE-TESD)

COTABATO CITY (Ika-14 ng Nobyembre, 2024)— 174 na mga trainees na nakatanggap ng sertipiko mula sa Special Training for Employment Program (STEP) 2023 ang matagumpay nakasama sa mass graduation ceremony.

Ang seremonya ay ginanap sa AJ Function Hall sa Marawi City at nagbigay ng oportunidad sa mga kabataan ng Lanao del Sur upang mapalakas ang kanilang mga kakayahan at magkaroon ng mas maraming pagkakataon sa trabaho.

Ang mga nagtapos sa programang ito ayon pa sa MBHTE-TESD ay nakatanggap ng mga sertipiko sa iba’t ibang kursong may kaugnayan sa mga sumusunod na larangan, katulad ng Bread and Pastry Production NC II, Tile Setting NC Il, Electrical Installation and Maintenance NC II, Carpentry NC II, at Cookery NC II.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, ipinamahagi rin ang Training Support Fund (TSF) at mga toolkits na magsisilbing suporta sa kanilang mga bagong natutunang kasanayan. Ang proyektong ito ay naglalayong bigyan ang mga kabataan ng mga kasanayan at kaalaman na magagamit nila sa paghahanap ng trabaho o pagsisimula ng kanilang sariling negosyo.

Ang matagumpay na pagtupad ng programang ito ay bunga ng pagsasanib-puwersa ng tanggapan ni Congressman Ziaur-Rahman Alonto Adiong, ang TESDA Lanao del Sur sa pamumuno ni Provincial Director Asnawi L. Bato, at iba’t ibang Technical-Vocational Institutions.

Sinabi ng MBHTE-TESD na layunin nilang mabigyan ng karagdagang pagkakataon ang mga kabataan upang magtagumpay at magtaglay ng positibong epekto sa kanilang mga komunidad. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Sabayang Pagtatanim ng Punongkahoy sa MDN, Isinagawa ng PDRRMO
Next post Persons Deprive of Liberty, Sumailalim sa Sustainable Livelihood Program Seminar-Workshop ng BJMP-BARMM  at MP Ambolodto