Tanggapan ni MP Iqbal, Pormal ng ibinagay ang Covered Court sa Moro Nisaa Services Cooperative
COTABATO CITY (Ika-9 ng Nobyembre, 2024) — Pormal nang itinurn-over sa Moro Nisaa Services Cooperative (MNSC) noong Huwebes ang isang bagong itinayong covered court sa Sitio Brotherhood 2, Barangay Takipan, Pikit, Cotabato. Ang proyektong ito, na pinondohan sa ilalim ng Transitional Development Impact Funds (TDIF), na ipinatupad ni Mohagher Iqbal, Miyembro ng Parliament (MP) ay naglalayong magbigay ng espasyo para sa mga pagtitipon ng komunidad, palakasan, at mga aktibidad na panlipunan.
Si Rakma C. Nor, presidente ng MNSC, ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat kay MP Iqbal sa pagbigay ng proyekto sa kooperatiba sa pamamagitan ng maayos na konstruksiyon ng Stoneline Construction Firm.
“We are deeply thankful to MP Iqbal for the confidence he has shown in MNSC and his unwavering support for our community’s development,” “Kami ay lubos na nagpapasalamat kay MP Iqbal para sa kumpiyansa na ipinakita niya sa MNSC at ang kanyang walang patid na suporta para sa pag-unlad ng aming komunidad,” sabi ni Nor.
Binigyang diin din ni Nor na ang positibong magandang dulot ng covered court na magsisilbing pasilidad sa ibat’ ibang programa ng bawat sektor sa Barangay Takipan.
Ayon kay Nor na ang proyekto ay patunay ng ng kanilang pangako sa kapakanan ng komunidad, at lahat ng sektor ng barangay na walang alinlangan na makikinabang sa ibinigay ng Bangsamoro government.
“Our cooperative is dedicated to continuing our search for additional projects that will uplift the community’s life especially in areas that require infrastructure and development,” dagdag ni Nor.
Sa kanyang pahayag, muli nitong pinagtibay ang pangako ng MNSC na magdala ng higit pang mga hakbangin sa pag-unlad sa mga lugar na pinangungunahan ng Moro.
Binigyan diin din ni Nor na ang kooperatiba ay nakatuon sa pagpapatuloy ng paghahanap ng mga karagdagang proyekto na magpapaangat sa buhay ng komunidad lalo na sa mga lugar na nangangailangan ng imprastraktura at pag-unlad.
Ang turnover ceremony ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa United Youth for Peace and Development (UNYPAD), Project Management Office ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE), at mga lokal na opisyal mula sa Barangay Takipan at munisipalidad ng Pikit.
Ang covered court na ito ay inaasahang maging isang mahalagang asset, na nagpapatibay sa pakikipag-ugnayan sa komunidad, nagbibigay ng espasyo para sa libangan, at sumusuporta sa panlipunan at pangkulturang mga pangangailangan ng komunidad. (Tu Alid Alfonso, BMN/BamgsamoroToday)