Benepisyaryo ng Unlad Pamilyang Bangsamoro sa Marawi City, Tumanggap ng Rice Subsidy
COTABATO CITY (Ika-8 ng Nobyembre, 2024) — Ipinamahagi ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa pamamagitan ng Marawi Coordinating Office (MCO) ang rice subsidy grants sa mga benepisyaryo ng Unlad Pamilyang Bangsamoro Program noong ika-14 hanggang ika-15 ng Oktubre, sa Marawi City Hall gymnasium.
Nakabenepisyo ang kabuuang 384 na pamilya mula sa Unlad Program, na nakatanggap ng tig-PhP7,200 bawat isa. Ang subsidiya ay katumbas ng buwanang tulong na PhP1,200 mula unang hanggang ikalawang quarter ng 2024.
Ang pamamahagi ng rice subsidy ay pinangunahan ng mga kawani ng MSSD MCO, parasocial workers, ang City Social Welfare and Development Office ng Marawi, at mga intern.
Ayon pa sa MSSD na ang Unlad Pamilyang Bangsamoro Program ay magbigay ng pinansyal na tulong sa mga mahihirap na pamilya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)